Mahilig ako sa maaanghang na pagkain
Mahilig ako sa mga panulat na mayroong iba't ibang kulay
Mahilig akong magbasa ng libro tungkol sa dalawang taong nagmamahalan
Mahilig akong magsulat ng tula tungkol sa aking mga nararamdaman
Kay dami kong hilig gawin
Madami akong gustong sambitin at ipahiwatig
Ngunit ang nais kong sabihin ngayon ay sa dami ng hilig kong gawin
Ay may isang tao akong hilig kausapin
Mahilig akong magkuwento kung kaya't lagi akong nagiingay tuwing kasama ko siya
Dahil siya ang taong handang makinig sa lahat ng kaartehan, sa lahat ng kabaliwan o sa lahat ng aking iniiyakan
Siya ay nariyan upang ika'y samahan
Samahan sa dilim sa tuwing naglalakad ka sa ilalim ng buwan
Samahan sa tuwing ika'y nagiisa at kailangan mo ng taong masasandalan
siya yung taong nasigawan mo
Nasaktan mo
Iniwan mo
Ngunit sa huli ay siya parin ang iyong babalik balikan
Siya ang taong tinatawag kong kaibigan