Ang Dating Tayo

52 0 0
                                    

Noong gabing tinapos natin ang lahat

Mga hakbang ko papalayo sa iyo ay napakabigat

Noong gabing yun, sinabayan ng langit ang aking nararamdaman

Bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan

Kasabay nito ang pagpatak ng luha na matagal kong pinigilan

Dala na rin siguro ng pagod, kay napaupo nalang ako sa daan

Binabalewala ang mga bumubusinang sasakyan

Dahil baka wala na ring saysay ang mabuhay pa

Kasi sa pagkakataong iyon ay wala ka na

Bigla ko nalamang naalala ang yung panahon na masaya tayong magkasama

Pero siguro nga tama sila, halos lahat ng masaya ay pansamantala

Hindi ko nga sigurado kung babalik ka pa

Pero kung di na maibabalik yung dating tayo

Maaari bang ulit-ulitin nalang ito?

Maaari bang balik-balikan yung panahon na sabay natin pinagmamasdan ang mga tala?

Maaari bang balik-balikan yung panahon na tayo'y masaya pa?

Maari bang balikan yung araw na ikaw ang nakikita sa pagmulat ng mga mata sa umaga?

Ang saya kasing balik-balikan

Yung mga panahon na kaya mo pa akong ipaglaban

Magkano nga ba ang pamasahe pabalik sa dating tayo?

Meron pa ba akong masasakyan papunta sa bisig mo?

Nais kong bumalik kung saan nasa akin pa ang iyong atensyon

Yung panahon na meron pa tayong koneksiyon

Ano nga ba ang solusyon para maibalik ang nasayang nating relasyon?








InkedWhere stories live. Discover now