Ikaw pa rin ang hanap nitong puso kong puno ng pighati at pangungulila
Pinanghahawakan ang mga alaala na naiwan nitong pagsasama
Kung sana ay naging malakas at itong pagmamahalan ay aking pinaglaban
Atin na sanang nahantong ang saya nitong pag-iibigang walang hangganan
Masaya ka na sa piling ng iba
Masaya akong makita kang maligaya
Miserable, kung tutuusin, itong buhay na pinili kong tahakin
Ngunit, sa kabila ng sakit, ikaw ay aking iibigin
Magtutungo ako sa landas ng kahapon
Magbabakasakaling makikita ka sa dapit hapon
Sabay nating panonoorin and pag-aagaw dilim
Ang kagandahan ng araw na 'di ko maatim
At ang kalungkutang hatid ng kadiliman
Oras na para gumising
Muling magbabalik itong haring araw na palagi kong tinatanaw
Ito ang landas na pinili kong tahakin
Mahal, oo nga pala, patawad at iniwan kita.