oras

27 1 0
                                    


Mahal ko

Nasasaktan na ako

Hindi ko alam talaga kung paano ko ipapaliwanag sayo

na minsan ay sobra na ang sakit

Nasasapawan na nga ang saya

Idagdag pa dito ang pagkawala ng iyong oras para sa akin

Minsan ay kasama mo siya

minsan naglalaro ka

Minsan masaya ka
Madalas naiinis ka

Minsan masaya tayo
Madalas hindi

Napapansin ko iyon mahal at alam kong napapansin mo rin yon

Kasi madalas ko ring sinasabi na babawi ka

Pero ang totoo

Hindi naman yun nangyari

Walang pagbabago

nakakasanayan ko na nga

Na sa bawat paghingi mo ng tawad

Laging ayos lang o okay lang ang aking sinasabi

Minsan ,madalas, hindi ko alam

Pero ang pagsabi mo ng "mahal kita" ay parang wala ng pakiramdam

Kumbaga.. sinasabi mo lang iyon

Para hindi ko maramdamang ang iyong pagmamahal ay unti unti na ngang nawawala

pero mayroon paring parte sa aking puso na naniniwala na

babawi ka

Malaking parte yon kaya nga heto

Inantay kita

Inaantay kita

At hihintayin ko pa

Ang pagbawi na sinasabi mo

Hinihintay ko pa yung pagbigay mo

ng kaunting oras at atensyon mo sa akin

Mahal na mahal na mahal kita

kaya handa akong maghintay

kahit minsan
ay hindi ko na kaya

Mahal na mahal kita

At patuloy parin kitang mamahalin
.
.
.

hanggang sa iyong pagbabalik

(A/N: so ayun para sa akin oras ay isa sa mga importanteng bagay sa isang relasyon...hindi mo kailangang ibigay yung buong buo mong atensyon.
Kailangan lang maparamdam mo yung pagmamahal mo. Kasi minsan... kasabay ng pagkawala ng oras at atensyon.. dun na rin namgyayari yung pagkalamig ng relasyon... kaya guys. Time is Gold. Chos HAHAHAHA ilyall)

InkedWhere stories live. Discover now