Pagod

12 0 0
                                    

Ito ang ikaunang beses na pakikinggan ko ang sigaw ng puso ko

Sa pagkakataong ito, nais kong piliin ang sarili ko

Nais kong pakinggan ang daing nitong puso kong napapagod na

Nais kong pansinin ang bigat ng mga problemang pasan ko sa araw araw

Ako naman itong pakinggan niyo

Ako naman itong intindihin niyo

Sa akin naman kayo magbase ng desisyon

Ako naman ang isipin ninyo

Pagod na rin pala ako

Akala ko, mas mabuting isipin ang ibang tao

Ibang tao muna bago ang sarili ko

Problema muna nila bago yung sa akin

Tutulong ako kahit alam kong sa huli, ako lang iyong mahihirapan

Pagod na rin pala ako

Pagod na rin naman ako

Hindi lang ikaw

Hindi lang kayo

Sa ikaunang beses na pakikinggan ko itong puso ko

Yayakapin ko itong sakit na dinadama ko

Hahagkan ko ang pait at pipilitin kong bumangon

Magpapahinga lamang ako

Hindi ako katulad niyo na pag umabot sa puntong napapagod na

Aalis at hindi na muling babalik

Lalayo at hindi na lalapit

Pare pareho lamang tayong napapagod

Subalit, hindi pa rin ako katulad ninyo

Hindi ako kailanman lalayo

Hindi ako mangiiwan

Magpapahinga lamang ako

Palalayain ko ang aking sarili mula sa bisig ninyo

Dahil sa pagkakataong ito,

Kailangan ko ang sarili ko

InkedWhere stories live. Discover now