kamusta, paalam

20 0 0
                                    

A/N: Read at your own risk cause this is a one lame update.
~never forget
*************************
Nagsisimula ang aking araw sa pagbati mo ng magandang umaga
Ang kay ganda mong mukha ang siyang aking nasisilayan sa pagdilat nitong dalawa kong mata
Ang iyong ngiti ang siyang naging ilaw sa madilim kong silid

'Kamusta ang tulog mo?,' ang tanong mo

Hindi ito ang unang beses na ako'y kinumusta mo ngunit ito ang unang beses na parang mayroong kakaiba sa paraan ng pananalita mo

'Mahimbimg, ang laman ng aking panaginip ay ikaw at ako,' sagot ko.

Ngumiti ka ng pilit, tila mayroon ka pang nais sabihin ngunit itinikom na lamang ang iyong bibig.

Nagsimula akong magtaka dahil sa kilos mong kakaiba. Tila may mali, parang ikaw ay aalis na.

'Ano ang problema?'

Naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Nagising ako mula sa isang panaginip.

'Kamusta?,' tanong ko sa sarili.

Kahit anong pilit ko, hindi ko malilimutan ang unang tanong mo sa umaga, 'kamusta?'

At hindi ko kailanman matatanggap ang huling mga salitang iyong binitawan bago mo napagdesisyunang lumisan, 'paalam'


InkedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora