Conan's POV
Yung bigla umulan!! Argh. Tulog pa naman si Tracey.
"Hey? Wake up Tracey!" No response! Grabe naman matulog to.
"Hey!! Nakakasar naman bakit ba biglang umulan author Djoke lang hihi. Buhatin na nga kita" payat pero mabigat? Tsk.
Nagmadali na ko dahil medyo basa na kami nung nakapasok na ko tsaka ko lang naramdaman medyo mainit si Tracey! Yare ako nito kila tita. Hays
"Babygirl wake up. Damn! You're sick, What should i do? Wala ako alam sa ganto" Tawagan ko kaya sila Tita? I don't have a choice. Tinawagan ko si Ate Trisha dahil wala ako number ni Tita tss.
"Yow conan! What zups?" abnormal to.
"Shut up dude. Tsk! Kasama mo ba si Tita Trina? Tracey's sick"
"Hala!! Ano ginawa mo kay Tracey? Sumbong kita kay Tita hahahaha" gago talaga to. Ang tino talaga nila kausap
"Bwesit ka!! Ibigay mo nalang kay Tita pwde ba? Hindi ko alam gagawin dito nang-aalaska kapa dyan" gigil niya ko eh tsk.
"Oo na. Tsaka hndi alaska iniinom ko bear brand kaya hahahahaha"
"Hey Tita Trina! Kausapin daw po kayo ni Conan" rinig ko sa kabilang linya.
"Hello Conan? Bakit?" Naguguluhang tanong ni Tita.
"Ah Tita kasi... May sakit po si Tracey hindi ko alam gagawin e. Naabutan po kasi kami ng ulan kanina tapos bigla nalang po siya nilagnat" Kabado pa ko nito hays.
"Tsk! Ano ba kasi ginagawa nyo sa labas? Alam nyo na masama ang panahon e. Tsaka hindi pwede maambunan ang bata yan dahil mabilis yan magkasakit. Where's Tracey?"
"Lumabas po kami tita mainit pa e. Tulog po kasi si Tracey kaya kami naabutan ng ulan bigla po kasi bumuhos yung ulan, Nasa kwarto niya po si Tracey"
"Conan pakialagaan mo siya ha? Wag mo siya iiwan. Hindi kami pwede makauwi ngayon dahil mataas na yung baha kaya please ikaw na bahala sa kanya. Painumin mo siya ng gamot at pakipunasan yung katawan niya ng maligamgam na tubig,"
"I will tita, Sige po magluluto lang ako ng makakain niya"
"Sige conan, Salamat"
Tinignan ko si Tracey na mahimbing na natutulog. She look so innocent pero kapag gising mukhang maldita, tsk. Hindi naman siguro masama iwan muna siya saglit diba? Gagawa lang ako ng soup para sa kanya.
"Kung hindi lang kita mahal,"
"uhm..." ungol ni Tracey? Shit!! Narinig niya kaya yun? Yareee.
"Hey? Tracey? Gising kaba?" ay tanga mo conan, nakapikit nga e tapos gising?
"Sa baba lang ako ha? Gagawa lang ako soup tapos magpapainit ako ng tubig para mapunasan kita. Saglit lang ako babygirl"
Bumaba na ko para gawin ang dapat gawin hays. Ang hirap pala mag-alaga ng may sakit pero para sa babygirl ko ayos lang kahit mapuyat basta gumaling lang siya agad!
Pagkatapos ko ay umakyat na ko para mapakain ko na siya at mapainom ng gamot. Ang himbing parin ng tulog niya may sakit o wala antukin e.
"Hey baby? Wake up. Kain kana para makainom kana ng gamot mo"
"Uhm.. Yaw q"
"Babygirl wag kang jeje dyan, bangon na kung hindi hahalikan kita" Banta ko sa kanya, Hahahaha dumilat siya ng kaunti ayaw ata magpahalik e tss.
"s-si-ra u-lo m-mo tss" Pinipilit niya makabangon pero hindi niya kaya tss.
"Ganun ba kahirap humingin ng tulong?" tinulungan ko siya makasandal sa higaan niya. Kinuha ko na yung soup na gawa ko
"Ubusin mo yan, pinaghirapan ko yang lutuin para sayo"
"Tss.."
"Maldita.." ay tinaasan niya ko ng kilay. Kung hindi ko lang talaga siya mahal eh.
Natapos na siya kumain at napainom ko narin siya ng gamot humiga na siya tapos naalala ko kailangan ko siya punasan at palitan ng damit... wait WHAT?! AKO MAGPAPALIT NG DAMIT? Tsk. Kaya naman siguro niya yun.
"Babygirl? Hindi pa tapos kailangan mo magpalit ng damit mo,"
"Uhm.."
Wala ako choice nito. Kinuha ko na yung palanggana may tubig na maligamgam at sinimulan punasan yung mukha niya, grabe kinis! Hindi ba tinutubuan to ng pimples? Kamag-anak ko ba talaga to? Parang hindi naman ganto itsura nila Tito at Tita kahit isa sa kanila hindi niya kamukha tsk. Bahala na nga, pagkatapos sa mukha sa braso naman hanggang sa talampakan niya. Kailangan na niya magpalit ng kasuotan pero paano? Ayaw naman niya gumising..
Itataas ko na sana yung damit niya nang may maramdaman ako humawak nito. Si Tracey pala,
"d-dont b-ba-ta p-pa k-ko hihi" nagawa niya pa magbiro.
"Baliw! Ayaw mo kasi gumising e. Kaya mo ba? Ikaw na magbihis sa sarili mo"
"g-gus-to m-mo b-ba i-kaw n-na-lang?" nakangisi niya sabi. Tsk!
"Baka nakakalimutan mong babae ka at lalaki ako?" bwesit na babae to.
"hihi a-ka-la ko b-ba-bae ka eh" bungisngis niya sabe. Loko loko to ah?
"Tsk. Magbihis kana nga lang! Labas lang ako para makapagbihis kana" Inabot ko na yung damit niya at nagmadaling lumabas! Mapang-asar, hindi niya ba alam kung gaano ako nagpipigil kanina na wag siya halikan tapos aasarin niya ko nang ganun? Argh.
---
Vote.
BINABASA MO ANG
Inlove ako sa pinsan ko.
Short StoryNaranasan muna bang magmahal? MAGMAHAL SA MISMONG KADUGO MO? Hindi ko alam kung bakit sa dinami-daming lalaki sa mundo sa pinsan ko pa ako nagkagusto? Saan nga ba hahantong ang pag-ibig ko ito sa aking pinakamamahal na pinsan.