Chapter 12

1.4K 19 0
                                    

Tracey's POV

Andito kami sa canteen nakatambay parin dahil 2hours vacant kami Tsk! Ang daldal ng magkapatid na to, Hindi ba sila nag-uusap sa bahay nila at dito pa nila naisipan magkwentuhan?! Isa pa to si Kezier kanina ko pa napapansin patingin tingin sakin duh? Alam ko maganda ako pero sana naman naisip niya naiilang ako diba? Campus Heartthrob pala ang lalaking paulit-ulit kong binabasted? Bata palang kami sobrang na yung caring and loving niya sakin pero wala akong maramdaman kahit ano dahil kuya lang ang turing ko sakanya, Haysss! Ilang ulit naba ko nagbubuntong hininga?

"APAT!!!" Anak ng? Natauhan ako dahil sa biglang pagsigaw ni Janina ng Apat?! Hinampas ko siya sa braso.

"Ouch naman kambal e, Binibilang ko lang naman yung buntong hininga mo hindi ko naman intensyon na gulatin ka.. Ayts!! Namumula yung braso ko oh?!"

"Pake ko?! *roll eyes* Sa susunod wag mo ko gugulatin ulit baka pasa na yan sa susunod Tsk!"

Ngiwi ngiwi siya ginagawa niya ata yung sinabe ko ganyan yan eh. Nakita ko nagtetext si Conan nagulat siya sa binasa niya at bigla siya napatayo Tsk. Hilig niya yan nu?!
Napansin niya ata nakatingin ako sakanya kaya ngumiti siya ng pilit.

"Ah. Babygirl may pupuntahan lang ako ha?! Kita kits sa room" nagulat ako nang bigla niya ko halikan sa pisngi sabay takbo palabas ng canteen. Nararamdaman ko uminit yung pisngi ko? Nagbublush ba ko? Aaaaaaaaah.

"Ayiiiieeee!! Oh my gosh!! I'm so kinikilig enebey.. Alam mo bessy kung hindi lang kayo magpinsan pwede kayo eh! Bagay na bagay kayo ni Conan" dyan lang ako natuwa sa lahat ng sinabe mo best. Hihi😊😊

"Tumigil ka nga Janina, magpinsan sila kaya kami ang bagay diba Mielloves *wink*"

"Ewan ko sainyo magkapatid na abno"

"Uy Cams, seryoso ako kahit dito sa school liligawan kita, nagpaalam na ko sa parents mo sayo nalang ang basbas" Basbasin ko mukha mo ng holy water eh.

"I said no kezier, andito ako sa school para mag-aral hindi para magpaligaw Tsk!" Hinawakan niya yung kamay ko.

"Fine basta sabihin mo sakin kung kelan pwede kahit 5years pa hintayin ko handa ako dahil mahal na mahal kita Tracey Cammielle Padilla Salvador" Hindi ko alam kung bakit ako napatango dahil siguro sa nakikita kong seryoso siya, Kung hindi ko lang nakilala si Conan siguro maiinlove ako dito kay Kezier dahil sobrang sincere siya sa lahat ng bagay basta para sakin.

Umalis na si Kezier dahil may pasok na daw siya at mag-aaral siya mabuti para sa future namin. Tsk! Ito naman si Bruhilda naglalaro sa cellphone niya na akala mo walang kasama sa table hays. May 1hour pa kami ano naman gagawin ko? May napapansin ako nakatingin sakin so hinanap ko at sana hindi nalang dahil si Avery pala yung nakatingin tsk. Visiting the sister?! Wow. Inirapan ko lang siya, hindi pa nakuntento sa malayuan besh?! talagang lalapit pa? Matapilok ka sana gago.

"Hi, pwede makishare sa table nyo?" nakangiti saad niya. Wag kang ngingiti teh mukha kang aso.

"No, i.don't.share"

"Pwedeng pwede po miss beautiful hihi. Wag mo pansinin yang maldita kong bestfriend" napataas lang yung kilay ko dahil sa sinabe ni bruhilda. Ako maldita?! Ano pa yang babae yan? Tsk.

"Really? Thankyou pretty girl" Plastic mo girl sa part na yan. -_-

"Tama ka dyan maganda talaga ko wag lang ako itabi kay Bessy hahahaha" Makaturo ka best baka manuno ka. Nagkatitigan kami siya nakangiti samantalang ako nakapoker face -_____-

"Waaaaaaaaah! Bakit magkahawig kayo?! Ang ganda ganda nyo anubayan!!!"

"Anong magkahawig?! Tsk! Si papa kahawig ko wala ng iba"

"Ayyy Oo nga pala haha!"

"Hihihi! Hindi naman mas maganda nga siya sakin e, Sige order lang ako ng makakain ha?! May gusto ba kayo treat ko" Treat mo mukha mo.

"Strawberry Shake lang sakin bessy, thankyou" Kapal talaga ng mukha nito.

"How about you?" nakangiti baleng niya sakin.

"Tsk! No thanks and please don't talk to me we're not close" Inirapan ko muna siya bago ko sinalpak yung headset sa tenga ko. Tsk! Papansin masyado sakin hindi niya ba alam na ayaw ko ng buong pagkatao niya? Makita ko pa nga lang anino niya kumukulo na dugo ko e.

Nakikinig lang ako ng music ng bigla hatakin ni Bruhilda yung headset ko.

"ANO BA?!"

"Wala lang hihi, galit agad?!"

"ALAM MO NAMAN KAPAG NAKAHEADSET AKO AYUKO NG GINUGULO AKO DIBA?!"

"Oo na kailangan sumigaw? Sorry na bestfriend" nagpiece sign pa tsk. Alam ko naman yung sasabihin niya e. Kung bakit ko minamalditahan si Avery?! She didn't know.

"Iidlip lang ako, gisingin mo ko in 40 minutes Oky?!" Pinandilatan ko siya ng maliliit kong mata dahil makakalimutin yan hays.

"Oo best! Hays. Wag muna palakihin mata mo wala ng pag-asa yan hahaha" Inirapan ko lang siya.

Sinubsob ko na yung ulo ko sa table at umidlip, Sana lang talaga hindi makalimutan ni Janina yung sinabe ko gisingin ako.
May nararamdaman ako yumuyogyug sakin,

"Ahmm." ungol lang sinagot ko dahil inaantok parin ako.

"Hey avril, you're late! Wake up!" Nagising yung diwa ko dahil sa boses at pangalan na tinawag niya sakin.

"Anong tinawag mo sakin?!"

"Ah! Tracey"

"Tsk! Asan si Janina?!" Napansin ko kunti nalang studyante at wala si Janina sa kaninang pwesto niya.

"Sabi niya pupunta lang siya comfort room pero 10 minutes ago na yun, Hindi pa siya bumabalik kaso malalate kana kaya ako na gumising sayo" kabadong sabi niya.

"Bruha talaga argh!! I'll go ahead thanks to wake me up" Tumayo na ko at naglalakad papalayo pero narinig ko oarin yung sinabe niya.

"Welcome my baby sister Avril, i missed you"

Gusto kong tumakbo papalapit sakanya yakapin at sabihin miss na ko miss ko narin siya pero hindi ko ginawa dahil sa isip ko galit ako sa kanila😐😐 Patuloy ako sa paglalakad na malalim ang iniisip kaya hindi ko napansin yung nabangga ko.

"Oh my, I'm sorry" That voice, i miss that voice. My real mom, nagpanggap ako hindi ko siya kilala

"No, It's my fault. I'm sorry ma'am" Tumingin ako sa kanya, kamukhang kamukha ko talaga siya.. I want to hug you mom but i can't.

"I'ts Okay :)"

"Sige po mauuna na ko, Pasensya po ulit" Maglalakad na sana ko ng bigla niya ko yakapin ng mahigpit. Akyat baba yung balikat niya dahil umiiyak siya?! My gosh.

"Please, let me do this" Hinayaan ko lang siya yakapin ako at sa di kalayuan nakita ko si Avery na umiiyak din! Gosh. Ganun ba ko kasama para paiyakin ko yung pamilya ko?! Hindi ko naman kasalanan diba?!

"Ma'am kasi malalate na po ako e, Pwede po bitawan nyo na ako?! Nakakailang po kasi hindi ko naman kayo kilala" Ayaw nyo kasi magpakilala sakin. Pinilit ko na bitawan niya ko dahil baka any moment makalimutan ko yung ginawa nila sakin. Masakit parin dahil hanggang ngayon wala parin sila balak na kunin ako, ang sakit sakit na para hindi ko kayanin at masigawan ko siya.

Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya dahil dali-dali akong tumakbo papalayo dahil kunting-kunti nalang papatak na yung mga luha sa mata ko. Matapang ako hindi ko ipapakita sa kanila yung kahinaan ko kung kinaya nila wala ako sa buhay nila pwes kakanin ko din na iwasan sila. Ayuko na magulo yung pamilya kinalakihan ko, ayuko sila iwan dahil sila lang yun nandyan para tanggapin ako ng buong buo. Ayuko na magkrus yung landas namin ng mga Chan dahil isa akong Salvador.
I am Tracey Cammielle Padilla Salvador not Avril Levine Salvador Chan.

Inlove ako sa pinsan ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon