Aizan's POVWazzap?!
Aizan Viel Constantino but you can call me Aizan only tsk. Si Tracey babe lang may karapatan na tumawag saking Viel. Nakakabakla kapag tinatawag niya akong VIEL feel ko napakaspecial ng pangalan ko.Btw sa mall ko siya una nakita may nakabunggo na babae sa kanya? Pero hindi ako dun nakafocus kundi sa mukha niya! mapapashit ka sa amo ng mukha e. Pero kung titignan ko mabuti yung mata niya parang may hinanakit o guni guni ko lang yun? Tsk. Try ko nga itanong sa magulang ko kung kamag anak namin si Madam auring.
Kasalukuyan nagtuturo si Ma'am Rovy na history teacher namin pero hindi ako nakikinig haha. Nakatutok ako kay Conan ba yun? Hindi ako bading o ano ha! Paano hindi ako titingin sa kanya e kanina pa siya nakatingin kay Babe ko!! Nakakainis yung paraan niya ng pagtingin e parang inlove na inlove. Parang si Tracey lang ang nakikita niya sa paligid niya. Nagseselos ako!!! Pero hindi ko siya pwede ipagdamot dahil alam ko wala akong karapatan..
Isa to sa pinakamahirap sa nagmamahal na hindi mo alam kung mahal kadin ba, yung hindi mo siya pwede itago sa bulsa mo kase hindi naman siya sayo </3 I mean hindi mo siya pwede ipagdamot dahil hindi kailanman siya naging sayo.. Awts!
Lumingon sa gawi ko ang paningin ni Conan kaya binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin tsk. Wag kang magkakamali lumapit sa teritoryo ko makikita mo hinahanap mo. Member pa naman ako ng Batang supot gang sa baryo namin djke lang😂😂😁
Umiwas na siya ng tingin tsk. Duwag naman pala e akala ko papalag bibigyan ko sana siya ng isa.Hindi ko napansin tapos na pala yung klase nalaman ko lang nung kinalabit ako ni Janina.
"Ano pre' wala kang balak umuwi?!" maangas na tanong niya tsk.
"Tsk!" epal ne'to kinakausap ako palage. Crush ata ako nito eh! Hindi ko siya type ha!! Ingay kaya niya..
"Tsk mo to! Buti nga kinalabit ka eh, Lakas makasungit akala mo naman gwapo" See? Ingay diba. Buti pa si Babe ko tahimik may sariling mundo haha.
"Sino bang may sabi na kalabitin mu'ko?!" inis na sabi ko.
"Si-- Tracey!! Tama siya nga. Diba best? Ano aangal ka ha?!!" syempre hindi nu.
"Eh?! Yeah. Tsk! Let's go" Sungit naman ni babe ko.
Nauna na lumabas si Babe ko habang nasa likod niya kami dalawa ni Jannina pero itong kaibigan niya may binubulong bulong na akala mo may kinukulam tsk. Bahala nga siya dyan. Tatabi sana ako kay babe kaso may naunang nakalapit sa kanya. Guess who?! Tss. Conan the great.
"Hi babygirl! Sabay na tayo umuwi? Pupunta rin ako sainyo eh" Nak ng!! Anong tawag niya kay Babe ko? Babygirl? Fuckshit ang baduy kingina...
"Okay..." sabi ni Babe ko. Argh!! Dapat sakin siya sumabay e bwesit na mangkukulam na kaibigan niya kasi istorbo.
"Hala best!! Paano ako? Ipagpapalit mo ko kay Conan? Mas matagal tayo magkakilala kesa sainyo tapos sasama ka sa kanya? Kilala mo ba yan? Baka ipasalvage ka niyan! Ano makikita nalang kita nasa tv na wala nang buhay?! Hindi ako papayag na sumama ka sa kanya!!!" Mahabang sabi ni Janina. May saltik talaga to.
"Kwento mo sa radyo baka may manuod" Sarcastic na sagot ni Babe HAHAHAHAHA!!
"Talaga best?! Sige gawin ko yan mamaya pag-uwi ko hihi" Woooh. Hindi niya ba alam ang salitang sarcasm?! Tss.
Tuluyan ng umalis sila Babe ko at Conan siguro iniisip nila na baka may sabihin nanaman katangahan to si Janina.
"BEST! INGAT KAYO SA PAG-UWI NG PINSAN MO" bigla sigaw ni Janina sa gitna ng hallway!! ay punyeta walang pasabi? Sakit ng eardrums ko syet. Pero wait.... Ano yung huli sinabe niya?
"A-ano sabi mo?!" medyo utal na tanong ko baka kasi mali ako ng pandinig gawa ng biglaan niyang pagsigaw eh.
"Ha?!" takang tanong niya.
"Ulitin mo yung sinabe mo" Inis na sabe ko.
"BEST! INGAT KAYO SA PAG-UWI NG PINSAN MO! yun lang sinabe ko" Kingina inulit nga niya pate yung sigaw.
"Wait... pinsan?"
"Oo pinsan sa english nun cousin kung hindi mo maintindihan, vuvu ba u?!"
"Tsk! Alam ko. Gusto ko malaman kung magpinsan nga ba talaga sila?"
"Oo nga diba?! Kakasabe lang eh. Paulit ulit ka naman, bahala ka nga dyan! May sayad ka ata e" What the? Ano daw? Ako may sayad? Eh siya yung may sayad sa utak kesa sakin ayts.
Naglakad na papalayo si Janina lumingon pa akala niya siguro susundan ko siya nung nakita niya nakatingin ako bigla siya umirap at hindi pa nakuntento nagmiddle finger pa ang loka loka tsaka tumuloy sa paglalakad. Haha baliw talaga siya!
Ang gulo! kung magpinsan sila bakit ganun makatingin si Conan kay tracey? Lalaki ako kaya alam ko kung paano ang tingin ng pagmamahal sa pamilya at sa babae. Kahit si Tracey may spark sa mga mata niya tuwing napupunta kay Conan ang paningin niya. Hayss!
Hindi ko alam paniniwalaan ko sana nga mali ako nang hula. Tsk! Itatanong ko talaga kila Mom and Dad kung kamag-anak namin si Madam auring napapadalas kasi yung paghuhula ko eh. Kung hulaan ko kaya yung future namin ni Babe ko? Hihihi.----
Zap?! Ngayon lang ulit nakapag-update dahil busy sa work😁😁 Please support this guys. Saranghae mga babygirl and babyboy😊😊💘
BINABASA MO ANG
Inlove ako sa pinsan ko.
Short StoryNaranasan muna bang magmahal? MAGMAHAL SA MISMONG KADUGO MO? Hindi ko alam kung bakit sa dinami-daming lalaki sa mundo sa pinsan ko pa ako nagkagusto? Saan nga ba hahantong ang pag-ibig ko ito sa aking pinakamamahal na pinsan.