Chapter 8

2K 32 2
                                    

Tracey's POV

Isang buwan na ang nakalipas nung inalagaan ako ni Conan pero halos isang buwan narin niya ko pinipikon simula paggising ko hanggang pagtulog hindi niya ko tinitigilan kapag inasar ko naman siya ang bilis mapikon Tsk. Naging close narin kami ng mga iba kong pinsan sila lahat palagi nila kami tinatawanan kapag nag-aasaran kami ni Conan feeling ko nga nilalapit nila kami e. Eto naman si Conan walang alam sa sitwasyon namin kaya akala niya bilang pinsan lang paghalik-halik niya sa pisngi ko. Yeah hinahalikan niya ko pero sa pisngi kaso lintek na kapag ginagawa niya yun halos sumabog na yung puso ko sa sobrang tuwa sa tuwing gagawin niya yun kasi nararamdaman ko may feelings din siya sakin kaso pinipigilan niya lang dahil akala niya magpinsan kami,

Pauwi narin pala kami dahil sa Monday pasukan nanamin sa isa akong pinakasikat na University papasok dahil alam ko naman ang Chan nanaman pumili nun hindi na ko kumibo nung sinabe yun Tsk. Marahil andun yung Ate ko kaya kailangan andun din ako bahala sila basta nakakapag-aral ako wapakels.

"Mamimiss kita Tracey apo ko" Naluluha na saad ni Lola.

"Mamimiss ko din po kayo Lola kayo po lahat" Kiniss ko si Lola sa pisngi na ikinangiti niya.

"Kiss ko Babygirl asan?" Sulpot ng kabute sa gilid ko. Tsk!

"Itong kamao ko gusto mo ikiss?"

"Ang sadista talaga nang Baby ko" Baby mo mukha mo letche ka.

"Mauna na po kami Nay, Babalik po kami dito sa susunod na bakasyon" Pagpapaalam ni papa kila Lola.

Sabay-sabay kami nila Conan uuwi ng maynila pero magkaiba kami ng sasakyan na gagamitin. Nalaman ko rin sa kabila Village lang sila nakatira malapit samin at nalaman ko rin pumupunta siya dun dati habang nasa school naman ako Tsk. Same school pa kami pero hindi kami magkakilala o sadyang hindi lang ako interesado sa paligid ko hays.

Habang nasa byahe ako iniisip ko yung mangyayare kapag nagpakilala na sila sakin hindi ko pa yata kaya makita yung taong nagtakwil sakin, sa muro kung edad pinamigay nila ko? Hindi ko alam yung dahilan mayaman sila kaya nila ko buhayin pero bakit ganun? Ayaw ba nila sakin? Masyado ba ko naging maldita nung bata palang ako? Tsk.

"Anak? May problema kaba? Bakit parang maiiyak kana?" Saad ni papa. Kaya kinapa ko yung mata ko kung may luha ba. Meron nga Tsk! Hindi ko iniiyakan yun nu -___-

"Wala po papa. Sinubukan ko tumulala ng 5minuto mahirap pala naluluha tuloy ako hihi" pilit na ngiti lang ang ibinigay ko sakanya. Tulog kasi si mama at bunso andun sa likod kami ni papa sa harap ng sasakyan kasi siya yung driver.

"Kung may problema ka sabihin mo kay papa ha? Ayuko nakikitang nalulungkot yung baby ko.."

"Opo papa. Pero wala po talaga ko problema :)"  Hindi na siya nagsalita ulit at nagfocus na siya sa pagdadrive. Sumandal nalang ako dahil inaantok ako. Nagising lang ako dahil niyoyugyog ako ni Bunso napangiti ako ng makita ko siya nakangiti sakin at kiniss ako sa pisngi. Hinding-hindi ko ipagpapalit yung pamilyang kinalakihan ko,

"Hi baby ko. Oh andito na pala tayo sa bahay?" kaya pala ako ginising ni bunso e siguro inutusan nila mama alam kasi nila ayuko nang ginigising ako kaya palagi si Trykes ang inutusan nila dahil alam nila hndi ko sisigawan to. Tsk! Kinarga ko na si Baby Trykes at pumasok na kami sa loob naabutan ko sila mama may kausap na lalaki sa sala.

"Ma? Pa?" nagulat sila mama nung nagsalita ako at napatingin din yung lalaki kausap nila sakin Tsk. Si Liandre Chan,

"Oh anak? Ginising ka pala ni Trykes. Ikaw talaga bata ka sabi ko wag mo gisingin ate mo e" kinakabahan saad ni mama tsk.

"Tracey halika. Siya nga pala si Tito Liandre Chan mo asawa siya ni Tita Annalie mo kapatid ko" Pagpapakilala niya tsk.

"Kilala ko siya" Cold na saad ko.
Nagulat sila lahat sa sinabe ko,

"Pa-pa-no mo nalaman?" gulat na sabi ni mama.

"Tsk! Diba isa sila sa pinakamayaman dito sa bansa? Nakita ko sa magazine. Happy family nga sila e. Kaya siguro hindi ko kayo kamukha nu? Baka kamukha ako nung kapatid mo papa" Sarcastic ko sabi, diniinan ko talaga yung family para dama niya yung poot ko diba Tsk.

"Ah. Hahaha Onga pala! Anong hindi mo kami kamukha? Kamukha mo kaya papa mo kaya nga spoiled ka dyan e. Ikaw bata ka ano-ano sinasabe mo dyan" Hindi na ko nagsalita nakatitig lang ako sa lalaking kaharap ko. Tsk! Ano nanaman ginagawa niya dito, wag niya sasabihin kukunin na niya ko at makakatikim siya ng suntok saken!

"Ah. Hi Tracey? Ang laki muna ha! Parang kelan lang..." Hindi niya tinuloy yung sasabihin niya takot siguro mabuko Tsk. Parang kelan lang nung ipamigay nyo ko diba?

"Oo nga po Tito Liandre! Ang laki ko na po nu? Pero ngayon ko lang po kayo nakita." Sarcastic parin ako. Wala akong pake kung bastos ako magsalita sakanya.

"Sige pa, pasok po muna ko sa kwarto masakit po kasi ulo ko e. Pakitawag nalang po ako kapag wala na siya este kakain na tayo. Sige po Tito nice to meet you.." Hindi ko na kaya makipagplastikan sa harap niya kaya dali-dali ako pumasok nang kwarto at binagsak ito ng malakas marahil nagulat sila sa inaasta ko pero wala ako pakialam nasasaktan ako makita sila masaya habang hindi ako kasama. Kung ayaw nila sakin bakit hindi nila ko pinalaglag? O kaya pinatay? Dahil sa ginagawa nila para narin nila ko pinatay e. Pinangako ko sa sarili ko hindi na ko iiyak dahil sa kanila pero eto ako ngayon umiiyak dahil nanaman sa kanila..

Alas Otso na nang gabi pero naririnig ko parin siya sa labas. Tsk! Balak niya ba dito na tumira? Nagugutom na ko pero ayuko makita pagmumukha niya lalo na yung mata na dahil alam ko sakanya ko nakuha tong mata ko. Sa kanya palang naiirita na ko ano pa kayo kung sila tatlo makita ko? Ano ipapamukha nila sakin na masaya sila kahit wala ako? Walang Tracey Cammielle Salvador na nageexist sa pamilya nila? Tsk. Totoo ko nga bang pangalan to?

"URRRRRGGGGHHHH! PAKSHIT!!!" Sumisigaw ako pero nakatakip yung unan sa mukha ko. Makatulog na nga lang bukas na ko kakain dahil sigurado ako wala na siya.

--
Vote.

Inlove ako sa pinsan ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon