Chapter 6 ★ Hug

3.5K 57 4
                                    

Julia B's POV


 "You'll pretend that you're a couple in front of your fans." Sabi ng manager ko. Hindi ako nakapagsalita agad para itanong kung bakit dahil nagreact agad si Daniel.


"WHAT?! That's unfair!" Halatang tutol na tutol si Daniel. Well, sakin kasi okay lang. I can't deny that I like Daniel. Hindi ako aayaw sa ganitong bagay dahil ito na nga lang siguro ang chance para maging malapit kami sa isa't isa.


"Pumirma na ang manager mo, Daniel. Wala ka ng magagawa. Nagset narin ng press conference para sa movie inyo. Aamin kayo sa kanila na kayo na." Tumango lang ako. Si Daniel halatang inis na inis parin.


Tumayo siya. "Bahala na kayo! May magagawa ba ako, eh napirmahan na pala? I don't understand why I have to do this sh*t!" At nag-walk out sya. I felt a pang of guilt pero wala akong magagawa since pati ang management ay gusto 'tong fake relationship na ito.


"Sorry for that, Julia." Sabi ng manager ni Daniel.


Di pa naman ako gaanong sikat at si Daniel ay sobrang sikat na. Itong movie namin ang big break ko at chance ko para ma-please ang fans ni Daniel, para magkaroon kami ng fans. Kaya nga gagawa rin ng eksena na kami na. Para maging headline kami ng news, para pagusapan kami, at para narin makahakot ng mas madaming fans.


Sana nga lang magustuhan nya ako habang nagpapanggap kami para kahit papaano maging totoo, diba? I can't deny that I like him, and I won't deny that I would love to be her leading lady for God knows how long.


Daniel's POV


Dammit! Bakit ba kasi ako hinayaan ni mama sa isang siraulong manager nayun?! She's unbelievable! Pwede namang palabasin na hanggang dun lang talaga kami, diba? Ang pepeke nila! Hindi ba sila nakokonsensya? I don't like Julia! Sana naman tinanong nila muna ako!


Kailangang ko ng kausap at isa lang ang pumasok sa isip ko. Si Kath. Tama! Si Kathryn. Tinawagan ko sya. Agad naman siyang sumagot.


[Hello, Dj? Ba't napatawag ka?]


"Are you busy?"


[No. Bakit?]


"Please, go with me."


[H-ha? Saan tayo pupunta?]


"I don't know. Somewhere.."


[Okay. Nasa mall ako ngayon eh. Asan ka?]


"I'll pick you up. Wait for me."


[Okay. Ingat.]


Ako ang nag-end ng tawag at agad akong nagdrive papunta sa pinakamalapit na mall. Nandoon siya sa mall kung saan ko siya unang nakita.

Fangirl's Dream (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon