Chapter 27 ★ Basketball

2.5K 42 2
                                    

Kathryn's POV




Nagising ako ng medyo maaga at inaantok pa talaga ako. Parang gusto kong matulog hanggang hindi ko na kayang matulog kasi sobrang lambot ng kama. Pwede ko bang pakasalan itong kama ko?




I reached for my phone and I saw a message icon. Messages pa siya last night, nakatulog kasi ako kaagad kaya hindi ko siguro nabasa.




(From: Beb

Goodnight! :*)




(From: Daniel John

Hi Kath. Goodnight.)




Tama ba pagkakabasa ko? Nagtext si DJ? Kinusot ko ang mata ko at yun nga ang nabasa ko, nagtext siya kagabi. I exited the inbox then returned, nandun nga yung message! Oh my God, ano ba 'tong nararamdaman ko?




Bakit tuwang tuwa ako?




Parang hinintay ko nang sobrang tagal itong text na 'to kahit hindi naman. Magreply kaya ako? Pero ano namang irereply ko, diba? Ganitong ganito ang nararamdaman ko noong una siyang nagtext sakin! Hindi pa magulo noon...




Good night message na kasi 'yung text niya at hindi na siguro kailangan ng reply pero gusto ko siyang makausap. Ewan ko! Kahit maging magkaibigan lang naman kami diba? Hindi naman masama 'yun, diba?




Itetext ko.




Sayang pride! Para saan pa yung paglayo ko diba?




Pero friends lang naman!




Lumabas na ako sa kwarto kahit magulo pa ang ayos ko. Ikokonsulta ko 'to sa best friend ko! Kumatok ako sa pinto niya, hindi nga katok eh, hampas pala.




Binuksan ni Kuya. "Anong problema mo? Umagang umaga yang pambubulabog mo!"




"Pasok tayo. Daliiii!" Pumasok kami sa kwarto ni Kuya.

Fangirl's Dream (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon