Chapter 14 ★ Almost

3.1K 47 0
                                    

Kathryn's POV

 



Uwian na at hindi ko pa nakikita si DJ. Este Enrique! Peste. Si Enrique ang hinahanap ko at hindi si DJ. Oo na! Si DJ na! Nakita ko kasi yung kotse nya kanina, imposibleng wala sya dito. Nagtataka lang ako, yun lang.




Habang naglalakad, nakita ko sina Miles at Julia kasama ang mga lovelife nila. "Hi guys." Bati ko sa kanila at nakiupo narin.




"Hi Kath." Bati ni Marco sakin at tinanguan naman ako ni Coco.




Lumapit sakin si Miles. "Babae! I saw you kanina ha! Ang dami mong kasamang papabols!"




Madaming kasama? Ah, sila JC siguro ang sinasabi nya?




"Bagong kakilala lang. Fine Arts din daw silang 4." Walang ganang sagot ko. Di naman kasi ako gaanong interesado.




"Apat na lalaki? Sila ba yun?" Sabi ni Julia at may tinuro sa likod ko. Lumingon ako, tama, sila nga yun. Ba't sila nandito? Sinusundan nila ako? Ay, ang creepy.




"Hi Miss Kathryn." Bati nila sakin ng sabay sabay pa. Choir lang? I just smiled at them at simpleng tumango kay Julia. Tutal nandito na sila, ipapakilala ko na rin. Mukhang mababait naman sila.




"Julia, Miles, Marco at Coco, si Jc, Lester, Katsumi at Seth." Pagpapakilala ko sa kanila. Buti di ako nalito.




"Hi! Ako si Miles! Boyfriend ko si Marco." Proud na pagpapakilala ni Miles.




"Julia. Siya si Coco." Medyo awkward na sabi ni Julia. Nagtanguan at ngitian sila. Ang dami namin dito. Ngayon ko lang napansin na ang dami namin dito, 9 kami oh.




"Miss Kathryn." Tawag sakin ni JC. Parang pamilyar si JC sakin.




"Kath nalang. Ang formal masyado eh. He-he." Nagtinginan naman sila sa isa't isa at napakamot.

Fangirl's Dream (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon