Chapter 30 ★ NWU Party

3.1K 54 7
                                    

(a/n: i think mas mafifeel nyo kung ipeplay nyo yung tattooed heart by ariana grande hehez)


--


Kathryn's POV




Ngayon na ang araw na pinakahihintay--pinakahihintay nila. Ibang klaseng party din 'to kahit papaano kasi para sa acquaintance party pero hindi siya ganun. Leveled up na prom night, parang ganun. Every year naman 'to ginaganap since ito lang ang nagi-isang party na nagaganap sa school.




"Oh, 'yan tapos na! Super light lang yan kasi hindi mo kailangan ng makapal na make up." Sabi ng best friend ng ate ko na siyang nagmake up sa akin. Hindi ko rin naman gusto ang makapal na make up.




I thanked her before she took a picture of me. Gusto niya lang siguro ipost sa facebook with caption na siya ang nagmake up sa akin, magaling siya magmake up eh. Kaya ayun, picture picture talaga muna bago 'ko kinuha ang cellphone ko para tingnan kung may nagtext--meron.




(From: Daniel John
Hey! See you later, Beautiful. :*)




Napangiti agad ako sa text niya. Ang landi talaga nitong si DJ. To be honest, hindi ko inexpect na mage-enjoy ako sa ginagawa ko kahit mali. I'm already cheating kahit hindi naman talaga kami ni Enrique, pati na rin si DJ eh nagcheat na. I've done this before, diba? That time, I did what's right and I regret. But this time, I'll follow my heart. Ito yung gusto ko at gusto ko syang makasama.




(To: Daniel John
See you, young man! :p)




Kung dati ay punong puno ako ng paga-alala dahil baka masira ko ang relasyon ni DJ at Julia, ngayon hindi na dahil wala na akong pakialam. Tanga na kung tanga pero handa akong itago itong namamagitan samin ni DJ hangga't kaya naming dalawa. Gusto ko siyang makasama kasi pinapasaya niya ako.




At alam 'kong napapasaya ko rin siya. Hindi naman siya magri-risk kung wala siyang napapala sakin diba? Nagkataon lang na napapasaya namin ang isa't isa.




Gusto kong maging masaya sa paraan na alam ko. Ayaw 'kong pigilan 'tong nararamdaman ko kasi iba na 'to eh. Hindi na ito yung simpleng gusto ko siya dahil fan niya ako--hindi na ganun. Ito na kasi yung klase ng gusto na... gusto na talaga.




Ilang minuto pa ang lumipas at inayos ko na ang dadalhin 'ko. Isang simpleng purse lang para sa mga importanteng bagay na kailangan 'kong dalahin sa party. Habang inaayos ko ang gamit ko ay narinig kong sumigaw si Ate sa baba. "Chacha! Baba ka na dito. Nandito na si Enrique."

Fangirl's Dream (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon