Chapter 32 ★ Trending

2.4K 40 0
                                    

Kathryn's POV




Pagkatapos ng interview ni Julia, medyo naging mas vocal na si DJ sa media. Lalo na sa mga social media sites. Katulad kahapon, he posted a picture of me habang kumakain kami ng breakfast sa bahay ko. At ang caption, Good morning talaga! with tag pa talaga sakin. Nabobomba na tuloy 'yung IG at twitter ko ngayon.




Pero sabi niya hayaan ko lang daw. At mukhang wala siyang pake, kaya ako rin... hindi ko nalang din pinapansin. I'm just enjoying every moment na kasama ko siya.





(From: Bossing
Mall tayo? :)))) Please?)





Yan na naman. Ipupush nya 'to. Alam ng artista sya, lakas makasabi ng mall. Psh. Para namang kakayanin nya yung mga lalapit na kung sinu-sino. Pero sabi niya, baka daw magpasama siya doon sa isang private bodyguard niya para hindi kami gaanong lapitan.






(To: Bossing
Sige lang.)


Sent





Naloloka ako dito sa manliligaw kong 'to. Para kasing di ko pa tanggap. From fangirl, to friend at ngayon nililigawan. Ay grabe. Ang haba ng hair ko ah. Of all fan girls, ako talaga ang nagwagi.  Ang daming babae sa mundo. Pero ako. Shemay. Ako talaga. Babaeng sinwerte. Babaeng nakabingwit ng lalaking almost perfect. Pero magulo ang buhay. Well, tuloy parin. Ganun naman dapat eh.





(From: Bossing
Sunduin kita dyan ng 1PM. See you, baba. :)))) Ingat ka.)





Sweet pa magtext. Ano ba naman tayo nito? Ang gwapo, bait, gentleman, galing kumanta tapos ang sweet pa. Eh nako naman, sakin pa talaga napunta 'to ah? Hirap isaksak sa kokote na ganito na. Parang dati, nagsisisigaw pa ako sa mall shows nya. Nagpapapirma, nagpapapicture, nagpupunta kung san sya nandun. Started from the bottom now i'm here. And I'm happy about everything.





**




I decided to wear a not-so-short shorts, and blouse. Bumaba na ako. I saw Kuya. Siya lang pala nandito. Umalis sina Mama at Charles. "Saan ang punta? Teka.. nakita kita sa news kanina! Sikat ka na, Cha!" Natuwa pa!





"Tumigil ka nga, Kuya. Aalis lang ako. Mall lang."





"Sinong kasama mo?"





"Baba?" Sakto namang tawag ni DJ mula sa labas. Tinaasan ako ng kilay ni Kuya. "Si DJ. Hindi kami magpapagabi." Sabi ko kay Kuya before leaving.



Fangirl's Dream (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon