Chapter 19 ★ Boyfriend?!

2.6K 44 1
                                    

Kathryn's POV




Nagising nalang ako at nakaakbay si DJ sa akin. Nakatulog pala ako? Jusko, nakahiga pala ako sa chest niya at nakayakap ako. Napatayo ako bigla. Tulog din pala sya. Ano ba 'tong ginagawa ko sa buhay ko?




Nagulat sya. "Nakatulog din pala ako." Sabi nya habang nagsestrech ng arms.




"Bakit... ano... kasi..." Ugh! Di ko matapos salita ko. Nakakahiya talaga! Baka kung anong maisip niya, baka akalain niya minamanyak ko siya or what. Hindi!




"Nakatulog ka kasi. Yung kanina ba? Baka.. ganun ka lang talagang matulog. Okay lang naman." Mukha bang okay yun? Tsaka anong oras na ba? Tumingin ako sa wrist watch ko at alas sais na ng gabi!




"Aalis na ako, DJ. Salamat sa paginvite dito." Sabi ko at nagayos ng gamit ng mabilisan. "Bye!" Nabuksan ko na 'yung pinto ng biglang hinablot ni Daniel ang braso ko.




Pagtingin ko sa may pinto, nandoon si Julia. Replay ba 'to? Inalis ko kaagad kamay ni DJ sa braso ko. "Aalis na ako." Sabi ko kay DJ. Pipigilan pa sana niya ako pero naglakad na ako. "Julia." Sabi ko rin kay Julia bago ako tuluyang umalis.




Nakakahiya, nakakahiya talaga kay Julia! Girlfriend sya tapos akong isang kaibigang fangirl ni DJ nasa loob ng unit ng boyfriend nya. Baka kung isipin niya!




Sa dinami-rami ng pwedeng makakita samin, bakit yung girlfriend pa?




Julia B's POV




"What the hell was that, again? You and her? Kayo na ba? Oh my god, Daniel!"




"Stop acting like you are my REAL girlfriend."




Mukha ba akong naga-act para lang dun? Do I really sound like a real girlfriend?

"Paano kung may nakakita sainyo? The two of you, in the same room. Ano nalang iisipin nila sayo? Sa relasyon natin?! Please, I'm not doing this because I like you and i want you to be my real boyfriend. I just want our reputation to be clean enough." I burst out. Umiyak na ako.

Fangirl's Dream (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon