Chapter 23 ★ Officially Done

1.9K 44 0
                                    

DJ's POV




Mali ang iniisip nyo. Hindi ko sinuway si Kim, kasama 'yun sa gusto niyang ipagawa. Wala naman akong magawa kasi wala akong laban kay Kim kahit buhay ko 'to. Nakakapikon lang kasi nadadamay na rin si Kathryn.




Napanood kaya niya? Kung napanood niya naman 'yun, malamang kasama niyang manood 'yung boyfriend niya. Wala na nga talaga siyang pakialam, dapat hindi na siya nadadamay. Kung narinig man niya, sana naramdaman niya na totoo 'yung sinasabi ko na maganda siya. Very talaga.




Hindi lang kami pinagsabay ni Julia, pero pati siya ay may interview. Live rin siya ngayon pero nauna lang ako. Ngayon, nandito ako sa dressing room at pinapanood ko si Julia.




"Magandang hapon, Julia." Panimula ni Tito Boy.




"Magandang hapon din po."




"Di na ako magpapaligoy-ligoy pa." Agad na sabi nito. "Alam mo ba ang tungkol sa babaeng tinutukoy ni Daniel kanina?"




"Ah, oo naman po. I know her pero sana wag ma-misinterpret ng ibang tao 'yung kay Dan. Wala po 'yun sakin."




"Is she a friend?"




"Friend po namin siya."




"Hindi ka ba nagagalit kay Daniel? I mean bago pa lang kayo nagstastart ng inyong relasyon, may issue na agad na ganito? How hard is it for you?"




"Mahirap pong intindihin kung close minded 'kang tao pero hindi naman po ako nagagalit kasi siguro mas sinisisi ko sarili ko. He has personal reasons and we can't judge him dahil lang doon. Pero wala naman po siguro akong dapat ikabahala kasi kung gusto niya talaga 'yung girl, wala na kami ngayon. So, panatag naman ako."




"Yes. That's a good answer, very wise." Tumigil lamang saglit si Tito bago siya nagtanong ulit. "May nais ka pa bang idagdag tungkol sa babaeng nasasangkot sa relasyon ninyo?"




Napatiim-bagang ako. Subukan niya lang magsalita ng hindi maganda kay Kathryn. Subukan niya lang talaga.

Fangirl's Dream (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon