Chapter 37 ★ Unexpected

2.1K 35 6
                                    

DJ's POV

After what happened, hindi na gaanong naging busy si Kath. Sabi ng Prof n'ya, madami na syang na-paint na maganda. Enough na daw para bigyan sya ng mataas na grade.

2 weeks na after ng nangyari. Malakas na sya. Bukas na ang auction. Kaya nga may date kami ngayon.

Hindi s'ya basketball date. Mall date. Kumakain kami ngayon sa isang Italian Restaurant. T'wing may date kami, hindi ko sya hinahayaang umalis magisa. Sinasamahan ko sya lagi.

The thought of Enrique, na aagawin nya sakin si Kath, is always bothering me. Mahal ako ni Kath. Yan nalang ang iniisip ko.

"Pottie, sa tingin mo, tataas kaya sa 500 ang bid sa mga paintings ko?" She's nervous. Nakakatawa nga eh, ang gaganda ng paintings nya, nagaalala pa sya.

"Kung pwede lang akong mag-bet, isang milyon ang painting mo!" Sabi ko sa kanya. She gave me a glare. Cute. "Kidding aside, for sure. Magugustuhan nila 'yun." I winked.

Kumain na ulit kami. Strange feeling, parang may nakatingin samin. Marami. Maraming nakatingin dahil sariwa parin ang balita tungkol samin. Pero iba eh. Parang laging may sumusunod sakin. Samin.

Pagkatapos naming kumain, naglibot kami sa mall. Holding hands. Yung kamay n'ya yung tipong ang sarap hindi bitawan. Kahit ito lang gawin namin.

"Pagod ka na ba?" Tanong ko sa kanya. If you think I'm asking kung pagod sya literally, hindi.

"Hindi pa. Mabagal ba akong maglakad? Di pa ako pagod 'no." Slow s'ya. Sobra. Pero kahit na ganun sya. Mahal na mahal ko parin sya.

We're okay. Yun ang akala nya, akala n'yo at akala nila. Pero hindi. Tinatanong ko kung pagod na s'ya sakin, hindi kung pagod na sya sa paglalakad. Bakit? We're always okay. And too much 'okay' isn't okay.

Minsan nagtatampo ako sa kanya ng hindi nya alam, at minsan naiirita sya kasi ang babaw naman talaga. Her patience, sobrang kokonti. At ako, ang hilig ko pa syang inisin.

Feeling ko, napapagod na sya. Napapagod na sya sa ganitong relasyon. MU means Mutual Understanding. Maaring mutual ang nararamdaman namin sa isa't isa, pero hindi kami nagkakaintindihan.

Ewan ko, ang hirap iexplain. Pero ako, aminado ako, ako ang may problema sa aming dalawa. Hindi ako umaangal. I'm keeping secrets. Kaya gusto ko ng ilevel up kung ano man ang meron samin.

Gusto ko ng makasiguradong akin sya. Para wala na akong doubts, wala ng secrets. Kasi we're almost one. Pag kami na, we are going to get to know each other more. And after, gagraduate kami. Magkakaroon ng magandang trabaho. Susuportahan namin ang pamilya namin. At pagkatapos, magpapakasal kami at magkakaroon kami ng mga anak. At magkasama kaming tatanda.

Sa ngayon, gusto ko ng malagyan ng check sa checklist ko yung maging kami. I want to start everyday, knowing she is mine, and i am hers.

I love you so much, Kathryn. I hope you'll realize that this will be the turning point that I am talking about. Slow ka pa naman.

**

Auction


Kath's POV

This is it. Auction na. We are doing this para sa mga street children (at iba pang mga nasa kalsada), hospital, church and families na hindi maayos ang buhay.

Lahat ng makukuhang pera, idodonate. I made 35 paintings. Ang dami! Magkano kaya ang bids dyan? Ang minimum kasi ay 500.

Nagsisimula na. May nagbid ng 1,500. Ang pinakamataas ay 8,000. Thanks to them, magkakaroon ng magandang pasko ang mga tutulungan namin.

Fangirl's Dream (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon