Chapter 13 ★ Parking 5

3.2K 49 9
                                    

Dj's POV

 


Bumili lang ako ng isang case ng beer at umalis na. Sabi ko kasi sa kanila, sa condo nalang. Nang makarating ako sa condo, nilapag ko nalang kung saan yung case ng beer. Hindi ko alam kung paano ako nakapagdrive kahit sobrang hilo ako.




Binuksan ko ang pinto. Sila na pala, andito na sila. Si Lester, JC, Katsumi at Seth.




"Anong problema at pinapunta mo kami dito?" Sabi ni Les at tuloy tuloy na pumasok sa loob.




Sumunod naman yung tatlo. "Malamang, may bagong babae na naman yan at hindi alam ang gagawin nya." Natatawang sabi ni Kats at humiga sa sofa. Feel at home naman 'tong siraulong 'to.




"Si Julia ba problema?" Sabi ni JC. He's JC Padilla, kapatid ko.




Humagalpak kakatawa si Seth. "Julia Barretto? Seryoso? Yun ba? Eh di ba kayo na nun? Ano, under ka?"




Hindi pa ako nagsasalita ang dami ng side comments. Tinatawag ko lang kasi sila pag may problema ako o kaya naman ay gusto kong tumugtog. Sinara ko ang pinto at umupo nalang sa couch.




"So, ano na ngang problema?" Sabi nila in chorus.




Napabuntong hininga ako bago tumayo at kunin ang laptop ko at binuksan ang isang folder na puro pictures niya, pictures ni Kath, kasama ako dun sa iba. Tinuro ko yung picture. "Siya, siya ang problema." Sabi ko sa kanila.




Tinititigan nila. Mukhang nagandahan narin sila. Mala-anghel kasi ang ganda ni Kath, e. Napakamot si Kats sa ulo. "Sino 'yan? Fan mo? Oh tapos?"




"Naku pre. Fan lang yan." Sabi ni Lester at umupo sa sofa. Anong fan lang? Loko 'to, hindi ba niya alam na utang na loob ko lahat sa fans ko? Padalos dalos na naman si Lester.




Natatawa na naman si Seth. "Ang ganda naman bregs, anong problema dyan?"




"Hmm, sayang gasolina ko. 'Yan lang pala. Eh kaya mo na 'yan." Simpleng saad ni JC.

Fangirl's Dream (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon