Chapter 16 ★ Friends for now

2.9K 45 1
                                    



DJ's POV

 



"Daniel! Please listen. Kapag hindi ka sumunod sa kontrata, mapapasama ako." Saad ng Manager ko na kanina pa dada ng dada.




Nagsumbong pala si Barretto. At kakauwi ko lang dahil nakalimutan nya atang sabihin na iniwan nya ako sa lugar na di ko alam. Buti nalang at nagkasignal bigla kaya natawagan ko 'yung driver.




"Binasa ko ang kontrata, walang nakalagay na hindi ako pwedeng magkagusto sa ibang babae." Walang ganang sagot ko. "At pwede ba, wag mo na akong diktahan? Susundin ko ang gusto kong gawin."




Tapos ang usapan. At umuwi na ako. Unang una, di ko kailangang sumikat ng sobrang sikat. Sa totoo lang, hindi ako masaya sa ganito kasi ahat ng ginagawa ko arte lang at hindi natural. Kailangan kong magpanggap.




Biglang nagring ang cellphone ko. May tumatawag. Tiningnan ko kaagad kung sino.




Lester Calling...




"Bakit?" Tanong ko agad.




[Pinabili kami nung manager mo ng bulaklak. Ibigay mo daw kay Julia!] Pati ba naman sila, pineperwisyo pa niyang si Kim?



 

"Ipahatid niyo nalang dito." Walang ganang sagot ko.




[Una sa lahat p're, ayaw ko kay Julia. Kaya nga tinutulungan ka namin kay Kath. Bahala ka 'pre. Bigay mo kay Julia sa TV Guesting nya mamaya.]




Binaba na niya yung tawag. Wala na naman akong choice, baka ipakulong pa ako eh lalo akong malintikan. Makikita ni Kath 'tong gagawin ko sa TV. Nakakainis.




**




Kathryn's POV


 

 

Nakatambay kami ngayon, loko kasi 'tong sina Miles eh! Pinagkwento ba naman ako ng lahat ng nangyari kahapon. Kaya ayan, kilig na kilig sila. Jusko, hindi ba nila alam na naninira ako ng relasyon? Pumapasok ako sa isang relasyon at ang sama ko na.

Fangirl's Dream (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon