Chapter 36 ★ Confined

1.8K 32 5
                                    

Dj's POV


Sobrang sakit ng ulo ko! Grabe parang binibiyak ang ulo. Ano bang nangyare?

Ang natatandaan ko, nagpunta ako sa bar. At bumili ako ng dalawang case ng beer. At pumunta akong dalton's bridge. At sa basketball court..

Di man lang ako hinanap at pinuntahan ni Kath. Mukhang masaya na sya kay Enrique. Ano pang laban ko?

Bumangon ako. Nasa condo ako ni Seth. Teka, condo ni Seth? Si Seth papaalis na, may dalang bag.

"San ka pupunta?" Tanong ko. Lumingon agad sya. Natawa. "Bakit at paano ako napunta dito?"

"Mahabang storya. Lasing na lasing ka kagabi. Ang tindi siguro ng hangover mo.." Sobrang tindi.

"Paano nyo nalamang nandun ako sa court?" Dahil kami lang ni Kath ang nagpupunta dun eh. Paano nila nalaman?

"Dahil kay Kath. Alam mo bang hinanap ka nya buong gabi? Galing syang school, hindi pa sya nakakapasok ng bahay, hinanap ka na nya agad. Brad, maling mali na pinagdudahan mo agad 'yung sinabi ni Kath." Napapailing na sabi nya.

Hinanap nya ako buong gabi. Galing pa syang school. Eh di.. pagod sya? Pero ginawa nya parin. Nagi-guilty na ako.

"Eh san ka ba pupunta?" 

"Sa hospital. Nandun si Kath. Pagkatapos ka nyang makita, tinawagan nya kami, pagdating namin, nahimatay na sya." Nahimatay?! Anak ng...

Hinila ko sya palabas. Hindi ako nagsasalita. Nagaalala ako. Bakit sya nahimatay? May nangyari bang masama? May dumating ba bigla? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Si Seth na ang nagdrive. Hindi ako mapakali. Nagsisisi na ako. Dapat pala kinausap ko muna sya bago ako nagpakalasing. Dapat inalam ko muna yung buong pangyayari.

Tumigil na yung kotse. Nandito na kami. Nagpunta kami agad ni Seth. Sobrang kinakabahan ako. Paano nalang kung malala yung nangyari sa kanya?

Pumasok ako. Nandun si Kuya Carlos, Miles, Julia, Lester at Marco. Nakatingin silang lahat sakin. Pero ako dumeretso ako kay Kath. Hinawakan ko yung kamay nya. Dammit.

"Anong nangyari?" Kalma kong tanong. Kasi sa ngayon, kung magsisisigaw ako, nakakasama lalo yun.

"Sobrang stressed si Kath. Tapos hindi sya nakapagpahinga, hindi sya kumain ng kahit ano buong araw. Kaya nagcollapse yung body nya. Sobrang hina nya ngayon.." Sagot ni Miles.

Sh*t. Hinanap nya ako kahit hindi pa sya nagpapahinga at ang dami nya pang kailangan tapusin. Hindi rin sya kumain buong araw.

Nagpaalam muna silang lalabas. Yung iba kasi may pasok. Sabi ko nalang, sabihin ang nangyari kay Kath para hindi ma-absent.

Hawak hawak ko lang 'yung kamay nya. Hindi ko yun binibitiwan. Hinding hindi ako aalis dito hanggang hindi ako nakakahingi ng sorry about sa lahat. About sa lahat lahat.

Gumalaw ang kamay n'ya. Nakita nya ako sa tabi nya. Nagulat sya. Thank God, she's okay.

"Kath. I'm so sorr---"


"DJ, sorry. Sorry.." Sorry para saan? Hindi nya kailangang mag-sorry.

"Wala kang dapat ika-sorry. Ako ang may kasalanan sayo. Ako ang dahilan kung bakit ka nandito, nagcollapse ka kasi gutom at pagod ka. Pagod ka na nga, hinanap mo pa ako. Di ka kumain. Tapos muntik na akong sumuko, kasi narinig kong sinabi mong mahal mo si Enrique. Sorry." Sincere kong sabi. Pero natawa sya.

"DJ, masaya ako.. masayang masaya ako kahit na nandito ako sa ospital ngayon." Masaya? Bakit sya masaya? Nababaliw na ba sya? "Kasi nahanap kita kagabi."

Napayuko ako. "Sorry, Kath."


"Wag mo ng uulitin 'yun." Tumango naman ako. "At wag mong isiping hindi kita mahal, kasi mahal na mahal kita.." My heart melted.

Hindi ako nakapagsalita agad. She loves me. She really loves me. "Mahal na mahal kita, Kath.." Sabi ko sa kanya. I'm sure now.

"I know." She knows? Paano? Sinabi ko na ba? Kailan? Ba't di ko alam. "You told me last night."

Nagconfess ako habang lasing!! For the second time. Grabe. Nahiya tuloy ako. Nakakahiya eh.

"E-Eh syempre, iba padin pag sinabi ko ng matino ako.. Diba?" Palusot ko. Nakakahiya.

"Hahahaha. Baliw."


"Baliw ka din."

"Maybe baliw can be our always." I've red that. The fault in our stars. Napangiti ako..

"Baliw will be our always." I smiled.

I wish our relationship can stay like this forever. Sweet and harmless.


Enrique's POV

"What will you do now? Hindi sila nasira dahil sa ginawa mo. We can't actually kill him. Baliw ka ba?" Sabi sakin ng kaibigan ko.

Plano ang lahat. Pero dahil hindi nagwork. Isa nalang, ito na ang gagawin ko. Dahil kailangan kong gawin 'to.

Hindi pwedeng mapunta kay Daniel si Kath. Akin lang sya! AKIN LANG SYA! Kung sa tingin nya, panalo na sya. Nagkakamali sya. Babalikan ko sya. At sa araw na 'yun. Sa akin na si Kath.

Sa akin na si Kath, habambuhay.

Fangirl's Dream (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon