Chapter 8 ★ Hot Issue

3.3K 58 1
                                    

Enrique's POV


Yesterday, inayos ko na lahat ng papers para makalipat sa Near Western University. Gusto ko lang naman talagang makasama ulit si Kath kaya dito ako nag-enroll. Nalaman kong Fine Arts si Kath, kaya ako rin ganun din. Para magkasama kami sa ibang classes.


Ang desperado? Mahal ko lang talaga si Kathryn.


Nagi-ikot ako dito sa school tapos parang palengke sa sobrang ingay. Hindi naman nagsisigawan pero sobrang daming nagbubulungan kaya ang ingay. Napansin kong madaming tao sa isang place, parang may tinitingnan.


Papalapit na ako nang parang nahati yung mga tao, parang may pinadaan sila. May mga nagkalat ding school paper, kukuha na sana ako pero bigla silang sumigaw. "AY!"


May nahimatay! Hindi ko na napigilan na hindi lumapit, nanunulak na nga ako sa pagmamadali. Hindi nga ako nagkamali! Si Kathryn ang nahimatay!


Binuhat ko kaagad siya, nakatingin lang ang mga tao samin. Dinala ko kaagad siya sa clinic, pinagtanong ko pa kung saan. Hiniga ko siya at nilapitan agad siya nung nurse.


Ano ba kasing nasa school paper na 'yun?


DJ's POV


Habang kumakain ako ng agahan, hindi ako gaanong okay. Parang may mali. Tsaka naninibago na rin ako sa sarili ko, bago kasi ako kumain sobrang pagaayos ng buhok ang ginawa ko. Hindi normal, parang may nagbago sakin.


Kumakain ako nang biglang dumating si Kim, nagdadabog pa. Problema nito?


Hinagis niya sa lamesa ang dalawang newspaper. Isang newspaper at school paper pala. "Daniel! You can't date anyone na hindi artista! Si Julia ang kailangan mo ngayon!" Sigaw nya sakin.


Dalawa ang dyaryo pero isa lang ang front page pero parehong picture sa headline. May secret daw akong girlfriend!


Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at lumabas, hindi ko na pinakinggan ang tawag ni Kim sakin. Nagaalala ako kay Kath, baka kung napano na 'yun. Mabilis pa namang kumalat ang balita tapos medyo possessive pa yung ibang fans.


Saan naman kaya nanggaling ang picture nayun? Hindi ko man lang namalayan na may sumusunod saming dalawa habang magkasama kami. Hindi naman kasi nila alam ang buong storya, binibigyan na kaagad nila ng kahulugan!


Tinatawagan ko ang phone ni Kath pero walang sumasagot. Pagka-park ko ng kotse, tumakbo agad ako papasok sa campus. Ang daming magkakakumpol na tao at naguusap, mukhang pinaguusapan na. Tsk.


Nakasalubong ko ang dalawang babae na naguusap.


"Nakita mo? Nag-collapse pa sya kanina."

"Baka sa sobrang hiya."

"Serves her right! Nilandi nya kasi ang lalaking gwapo at artista!"

Fangirl's Dream (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon