"Maam, you need to decide now." naririnig kong tinig
"Doc, pwede po bang bukas na lamang natin pag usapan yan?" naririnig kong boses ni Ate Noel.
**Inngkk** parang may nagbukas na pintuan.
"Talaga po bang mag u-undergo na sya ng Euthanasia?" ang boses na yun.. Kay Jona yun...
"It's been 2 1/2 years. Pero di parin sya nagigising, maybe this is the time to give up" kay Mama na boses yun tapos parang naiyak sya..
Ano bang nangyayari. Bakit di ko maintindihan ang nangyayari? Di ko maimulat ang mga mata ko...Pakiramdam ko ang Dilim dilim ng paligid ko, pero ramdam ko na maraming tao ang nandun.
"Tita, wag po muna ngayon. Intayin pa po natin, nakapag intay nga po tayo ng 2 1/2 years.. Yun po bang ilang Buwan, Linggo, Araw, Oras, o kaya minuto man lamang nang pag iintay magawa natin para kay Dave" ang boses na yun.. Kay Arjay yun...
"Tita, tama po si Arjay, mag intay po tayo kahit ilang araw lamang, kung wala po talaga.. Siguro wala na talaga" ang boses na yun.. Sigurado ako kay Cryss yun..
"Tita, don't give up easily, alam kong nalaban din si Dave.." kay Raz na boses yun..
"Dave, nandito lang kami. Wag kang bibitiw hahh!! Mahal na mahal ka namin.." at biglang naramdan ko na may tubig na pumatak sa mga kamay ko.
Nagagalaw ko na ang mga daliri ko.. Naaaninag ko na ang liwanag.. Nakakasilaw..
"Dave? Dave!!!, tita gising na si Dave!!" sigaw ni Honnie...
Pagkamulat ko. Ibang mga tao ang nakikita ko.. Ano ba to? Parang ang laki nang pinagbago ng mga taong to.
"Andyan na si Doctor Canuel" sigaw naman ni Cryss
"Dave, can you hear us? Dave?" tanong nung nakaputing lalaki..
Medyo manhid ang paa ko, may oxygen pa sa bungaga ko, At medyo nakikita ko na ang paligid ko.
Hindi ko alam ang gagawin.. Bigla akong sinandal ni Arjay sa kama ko, ini adjust nya yung higaan ko..
TInanggal na nila ang oxygen na nakalagay sa bibig ko.
Nakapag salita na ako..
"Ahhh nasan ako, sino kayo?" tanong ko sa kanila..
"May amnesia ka ba?" tanong saken ng magandang babae na kilala ko ang boses..
"Honnie?" tanong ko sa kanya.. Hindi ko alam kung sya nga, pero ang laki ng pinagbago nya. She's even more beautiful than the last time I saw her.
"Oo Dave, ako nga!!" at maluha luha nya akong niyakap.
"Yung totoo? Kaw ba ang nanay Honnie?" pabiro namang sinabi ni Arjay.
"Dave!!" sabay yakap saken nang babaeng sobrang ganda.. Teka si Jona ba to? Bakit naging straight ang buhok nito? Hahahah, gumanda sya saka sexy na sya ngayon...
"Dave!!!" sabay yakap naman saken ni Raz, tapos sunod sunod na..
Sina Arjay at Cryss nakiyakap na rin..
"BROMANCE" sigaw nina Jona at Raz...
At ang pinakahuling yumakap saken.. Si Mama, naiyak si mama ng sobra..
"Kala ko anak hindi ka na magigising!" iyak nang iyak si Mama. Grabe naawa naman ako kay Mama.
"Ma okay na,, nandito na ako,, Gwapong gwapo parin ang anak nyo.." sabi ko kay Mama para maalis yung negative aura.
"Ano ba talagang nangyari?" tanong ko sa kanila..
"Last 2 1/2 years nung nasa Hospital tayo sabi mo lalabas ka lamang, Nagtaka kami ilang oras na hindi ka parin nabalik, at nang lumabas na kami para hanapin ka. Hindi ka namin makita sa loob at labas ng Hospital, sinubukan ka naming tawagan pero walang nasagot sa cellphone mo. Nang mag CR ako nag try ulit akong tumawag at biglang narinig ko ang tunog ng ringtone ng cellphone mo sa isang cubicle. Pagkabukas ko ng pinto nung cubicle... Na-" napatigil sa pagkukwento si Cryss.
BINABASA MO ANG
Dear Iphone
FanfictionWala akong lakas mg loob para sabihin sa kanya ang mga nararamdaman ko... Tsk!!! NAKAKAINIS!!!!! kaya sa iphone ko na lang sinasabi ang lahat =( *** Basa basa!!! ***