Ang sakit diba?
Isa lang ako sa mga tanga-hanga mo
Isa lang ako sa mga taong umaasang mapapansin mo
Isa lang ako sa mga taong alam sa mga nangyayari sayo
Isa rin ako sa mga taong nangangarap na maging tayoPero alam kong imposible
Sikat ka at ordinaryo lang ako
Ano nga bang panama ko?
Magkaiba tayo ng mundo.
Sa tuwing may ipapa love team sa iyo, kahit masakit sinosoportahan ko kayo
Dahil nga, taga hanga mo lang ako
Iyon lang naman talaga ang papel ko sayo
Ang maging taga suporta moKilala mo ba ako?
Syempre oo
Kabilang lang naman ako sa tinatawag na 'fans' mo
Ngunit alam mo ba ang tunay na pangalan ko?
Kase ako, alam ko ang lahat ng tungkol sayoAng sakit malaman na malabong maging tayo
Dahil uulitin ko nga, isa lang ako sa mga taga -hanga mo
Magiging posible lang naman ito sa panaginip koHindi ko akalain
Na ika'y mamahalin
Ng ganito kalalim
O' kay sarap isipin
Na balang araw ako'y iyong mapapansinMinsan ko ng pinangarap na mapunta sa South Korea
Kung saan naroon ka
Minsan ko ng pinangarap na maging isang koreana/o
Dahil iyon ka.
Minsan ko ng napag aralan ang lenggwahe nyo
Dahil sa labis na pagkabaliw ko sa inyo.Gusto ko lang malaman nyo na kung dumating man ang panahon na talikuran kayo ng mundo, nandito parin ako para suportahan kayo.
Kahit kulubot na ang mga balat nyo, hindi parin magbabago ang pagtingin ko sa inyo
Mahal na mahal ko kayo
STAN PROUD
STAN BTS