Mahal Kita

344 11 0
                                    


Salitang makasalanan kung ito'y aking ituring
Dahil sa bawat pagsambit mo nito'y kasinungalingan ang nais iparating.
Sa dinamirami ng taong maaaring biktimahin?
Bakit ako pa ang napili mong lokohin?

Sa bawat pagsambit mo nito'y kilig ang nadarama️
Hindi akalain na sa bawat pagbuka ng bibig mo'y kasinungalingan ang dala,
Pinaniwala mo ako sa salitang MAHAL KITA.
Kaya eto ako ngayo'y may pusong sawi at umiiyak magisa.

Sa dami ng katanungang hindi nabigyan ng kasagutan,
May isang tanong ang paikot ikot sa aking isipan
Ang mga kataga mong "MAHAL KITA" ay minsan bang tunay na naramdaman?
O isang patibong para lang ako'y mapaglaruan

Sa kabila ng pagpatak ng aking mga luha
Sa pagitan ng ikaw at siya ay may kaakibat na saya
Siguro dapat ko nalang tanggapin na tapos na
Ang minsang masasayang oras nating dalawa️ ay isa na lamang ala ala.

Tatanggapin ko nalang na ang salitang "tayo" ay hindi mabubuo ng "ikaw at ako"
Dahil malinaw na merong "siya at ikaw" na bumubuo ng salitang "kayo"
At ang meron lang sa "atin" ay "hindi itinadhana pero pinagtagpo"

Nabiktima lang ako ng buhay pag ibig sapagkat ito'y mapaglaro.

Dadating din yung panahon na
Gigising ako sa umaga at hindi na ikaw yung taong inaalala

Dadating din yung panahon na
Masasabi ko na sa sarili kong masaya na ako kahit wala ka

Dadating din yung panahon kung kelan matatagpuan ko na yung yung taong
magpapasaya, magmamahal at ituturing akong prinsesa

Dadating din ang panahon kung kelan masasabi ko na sa taong katapat dapat ang salitang MAHAL KITA.

Spoken Word Poetry( Soon to be published)Where stories live. Discover now