Wala akong ideya kung hanggang saan ako didistansya sayo
Kung meron ba kong lugar dyan sa puso mo o kung hanggang magkaibigan lang talaga tayoMadalas kang magbitaw ng mala rosas na salita
At doon ako nahuhulog bigla
Kaya hinde ko alam kung pinapaasa mo ba ako o kung meron ka talagang motiboSana isang araw mapagtanto mo ang halaga ko
Iyong mga oras na naghihintay ako ng text mo at naglalaan ng efforts para matulungan ka sa mga projects mo
Madalas online ka naman
Pero ichachat mo lang ako kapag meron kang kailanganAlam kong hopia at siopao ako
Hoping at assuming na magkaroon ng "tayo".
Kase asadong asado ako sa mga galaw na ginagawa mo,
Kaya kahit mag isa, kinikilig akoSana naman panindigan mo kung anong sinimulan mo
Kase kung hindi masasaktan talaga ako ng todo
Kung wala ka kaseng balak na seryosohin ako, tinuldukan mo na dapat sa umpisa pa lang ng ating kwentoAlam kong tanga ang tawag sakin
Ang nais ko lang naman ay mahalin
Hindi ko naman hinahangad na ibalik mo ang pagmamahal na hinihingi ko
Ang akin lang, hayaan mong mahalin kita sa paraang alam koNgunit alam kong hinde magtatagal ito
Sapagkat ayokong umasa sa hinde naman sigurado
Kaya sana buo na ang desisyon mo
Upang sabihin kung ano ba talaga ako para sayo