Struggles of being a top student

209 6 0
                                    

"Struggles of being a top student"

"Ano banaman yan, top student tapos naka zero sa test"

"Nakakahiya ka"

Ang sakit at ang hirap ng maging top student. Iniisip ng iba masaya. Oo, masaya naman talaga. May mga papuring natatanggap. May mga humahanga sa iyo. May nagpapa celebrate dahil top student ka. Pero ni minsan ba naisip nyo na sa bawat papuring aming natatanggap may kaakibat itong pangungutya, paninira at panghuhusga?

Dahil kapag top student ka nakakalimutan nila na tao ka. Nakakalimutan nila na nagkakamali ka rin . Bakit ba kasi kapag top student parang wala kanang karapatan na magkamali? Bakit kapag top student napaka big deal kapag nakakuha ka ng bagsak? Bakit kapag bumaba bigla ang rank mo nagiging dissapointed sa iyo ang ibang tao?

Tuwang tuwa ako kapag naririnig ko ang salitang "Ang talino mo naman"
Pero ang mahirap doon, kapag nagkamali ako at hindi ko na-reach yung standards na pinapatong sa ulo ko, puro insulto ang inaabot ko. Bumababa tuloy ang tingin ko sa sarili ko. Naapakan ang pagkatao ko.

Kapag may mga projects na gagawin, todo puyat at effort ako pero kapag hindi nasatisfy yung teacher sa ginawa mo. Ibabasura nalang bigla yung pinaghirapan ko. Ang sakit at ang hirap na kung minsan kahit guro hindi maapreciate yung effort mo. Ano nga bang magagawa ko ,Maam /Sir yung lang ang kaya ko e. Hindi paba sapat yon ?O sadyang mataas lang ang standards nyo?

Darating naman yung time na puyat kapa,tipong maiidlip kanalang sa eskwela pagkatapos pagbabawalan kapa. Ang hirap. Sobrang hirap mag adjust. Para sa iba, madali lang kase hindi sila ang nasa sitwasyon, kase hindi sila ang nakakaranas.

Minsan kapag may mga activities sa na nangangailangan ng pera kailangan may pambayad ka, yung tipong kapag hindi ka nakabayad ng ganyan hindi ka kasama. Kapag hindi ka nakasama sa field trip wala kang plus. Bakit ganon?Paano naman yung mga mahihirap? Paano naman yung hindi mayayaman?

Kapag naman may favoritsm ang guro kahit anong effort mo sa subject nya ay hindi ka nya makikita dahil nga nasa iba ang atensyon nya. Dahil nga hindi ka maganda/gwapo. Dahil nga hindi ka anak mayaman, hindi ka anak guro, hindi sikat ang apelido mo. Dahil nga ordinaryo kalang.

But believe me, behind those struggles there's always a success..

~AN/
Hi guys sinulat ko po ito dahil aware ako na karamihan sa kabataan ngayon dumadaan sa matinding pakikipagbakbakan at pagsusunog ng kilay dahil sa edukasyon. Sana po sa mga sinulat kong struggles maka relate kayo and sana magkaroon kayo ng motivation. ❣


Spoken Word Poetry( Soon to be published)Where stories live. Discover now