Guro

241 4 1
                                    

Kayo ang aming naging kaagapay at nagsilbing pangalawa naming magulang
Kayo ang aming naging sandalan sa tuwing may problema kami at wala kaming mapagsabihan.

Hindi nyo pinagkait sa amin ang inyong kaalaman.
Hindi nyo kame hinusgahan sa aming mga kamalian.
Bagkus,tinuruan nyo pa kami kung paano gumalang at rumespeto sa karamihan.

Sa tuwing kami'y hindi magkaintindihan
Ginagawa nyo ang lahat upang alitan namin ay masulusyunan.

Kahit hindi mabuti ang inyong pakiramdam
Nakangiti parin kayong papasok sa aming silid aralan para lang kame ay maturuan.

Alam namin na marami kaming pagkukulang
At hindi ko alam kung paano namin ito mapupunan.

Hindi ko man maipapangako ang perpektong pagbabago
Sinisiguro ko naman na hindi na magiging matigas ang aming ulo
Susunod na kame sa mga utos nyo na wala kayong maririnig na reklamo.

Salamat dahil nandyan kayo sa panahon ng kaligayahan, kalungkutan, iyakan at maging sa labanan.
Bawat ala-ala na ating pinagsamahan
Bawat pagkain na ating pinagsaluhan
Iyan ay hinding hindi ko makakalimutan at tatatak sa aking puso't isipan.

Bawat letra at salita dito ay aking pinaghirapan
Kaya sana inyo itong pahalagahan.
Pasensya na kung ito lang ang aking maibibigay
Dahil sa larangan ng pagsulat lamang ako may kakayahan.

Muli, maraming salamat sa lahat, aking Guro.

~
💜

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken Word Poetry( Soon to be published)Where stories live. Discover now