Ps: This is not a spoken word poetry hehe. (Gulo ni Author ah)
"Gagraduate tayo"
Para sa iba. Simple lang ang pag -aaral . Para sa iba laro lang ito.
"Eh ano naman kung hindi ako maka graduate, makakahanap din naman ako ng trabaho paglaki ko!"
"Sus, grumaduate ka ng Nursing dito sa Pilipinas tapos gagawin kalang naman taga linis ng banyo sa ibang bansa"
"Ang dali dali lang gumawa ng pekeng diploma"
Oo, tama naman sila diba?Kahit grumaduate ka ng Nursing dito sa Pilipinas walang walang kwenta iyan pagdating sa ibang bansa. Minsan nga kahit naka graduate ka wala ka paring trabaho.
Minsan nga naiisip mo, worth it paba lahat ng paghihirap ko?
Kase ako, pinangako ko sa sarili ko na gragraduate ako.
Hinding hindi ako magiging tulad ng iba na maagang nag asawa.
Hinding hindi ako tutulad sa iba na natigil sa pag aaral dahil sa bisyo.
Hinding hindi ako tutulad sa iba na inuuna pa angpag ibig kesa sa pag aaral.
Oo, hinding hindi ako tutulad sa kanila.
Dahil mas uunahin ko ang pag aaral. Mas uunahin ko ang paggawa ng assignments at projects ko kesa makipag chat sa gf/bf. Mas uunahin ko ang pagbabasa ng libro kesa pagbabasa ng kung ano ano sa Social Media.
"Ano banaman yan, sunod sunod ang projects."
"Pagod na ako"
"Ayoko na"
"Suko nako"
Mga salitang naging hadlang sa karamihan ngunit naging inspirasyon ito sa akin. Dahil sa bawat banggit ng salitang "Suko nako" kaakibat parin nito'y "Kaya ko to, lalaban ako"
Bakit nga ba hindi? Kaya mo naman e. Tamad ka lang. Kaya mo naman e mas inuuna molang ang social media. Kaya mo naman e, masyado kalang nega. Kinaya nga ng iba, syempre kaya mo rin iyan!
"Gigising ng maaga, papasok ng maaga"
Isa rin yan sa dahilan kung bakit tinatamad pumasok ang iba dahil uuwi ka ng bandang 4pm minsan panga inaabot ng gabi dahil meron kayong gagawing practices, projects etc. Yung tipong hindi mona alam kung anong uunahin mo.
Pagkatapos papasok kapa ng bandang 6am o minsan 7am. Nakapa hirap diba? Nakapahirap lalo na kung isa kang top student. Dahil nga sa grade consious ka, iniisip ng iba "Kaya nya na yan mag isa, tutal matalino naman sya".Napakaraming struggles sa pag aaral. Napakaraming bawal. Pero ni minsan naisip mo ba na worth it naman ang lahat ng iyan kung pagbubutihin mo lang? Totoo naman, worth it naman talaga lahat e. Na kapag dumating yung araw na nakatanggap ka ng medalya masasabi monalang sa sarili mo "Kaya ko pala".
So, why not take the risk? Bakit mo pinakikinggan ang iba na sinasabing hindi ka gragraduate. Sus, wag kangang nega ! Hindi naman siguro nila napre predict kung anong mangyayari sa hinaharap diba?
Gawin monalang inspirasyon ang mga taong iyon para magkaroon ka ng motivation para pagbutihan ang iyong pag aaral.Prove them wrong! Chin up! Gagraduate ako, gragraduate tayo!
Fighting!