Magulo

155 4 0
                                    

Parang tayo, pero hinde

"Ikaw at ako, walang tayo"

Naalala mo pa ba kung pano tayo nagsimula? Kung paanong nabigyan natin ng saya ang isa't isa? Masaya tayo. Masaya tayo kung anong meron sa ating dalawa, kahit hindi ako sigurado kung mahal mo ba akong talaga.

Yung mga long mensahe mo na nagpapakilig sa akin ng todo
Yung efforts mo na hindi mapapantayan ng kahit na sino.
Yung halos abutin tayo ng umaga makausap lang ako
At maging ang simpleng pagkanta mo kahit wala ka sa tono
Yan lang naman ang mga dahilan kung bakit nahulog ako sayo

Ngunit, natatakot ako na baka isang araw ang mga nakasanayan ko bigla nalang magbago.
Natatakot ako na baka manlamig kana ng todo
Natatakot ako lalo na't wala akong titulo sayo
Natatakot ako na baka dumating yung panahon na ako'y tatalikuran mo din  kagaya ng ginawa nila sa akin
Hindi ko ata kakayanin

Madamot man sa iyong paningin, ngunit gusto ko'y ikaw ay akin
Ngunit alam kong hindi maaari,
Sapagkat hindi naman kita
pag-aari
Para bang sinampal ako ng katotohanan na wala akong karapatan sayo
Sapagkat wala nga palang tayo

Ang hirap pala ng ganito
Hindi ko alam kung saan ako lulugar sayo
Pakiramdam ko ang tanga tanga ko dahil pumayag akong ganito tayo

Paano ako kakapit kung wala akong kinakapitan?
Paano ako lalaban kung wala akong pinaglalaban?
Paano?
Sabihin mo naman,kase ang hirap hirap na
Ang sakit sakit na

Oo, alam kong walang tayo,
pero sana hindi ka nagbigay ng motibo para umasa ako.

Spoken Word Poetry( Soon to be published)Where stories live. Discover now