Kapatid, nanlalamig kana
Nanlalamig kana sakanya
Nanlalamig na ang pakikitungo mo sa kanya
Napapansin moba?
Hindi na napapadalas ang iyong pagsimba
Hindi mo na pinapansin ang mga bagay na tungkol sa kanya
Kinakausap mo na lang sya kapag may kailangan ka
At hindi kana nagiging active sa pagwo-worship sakanya
Hindi moba naisip na nasasaktan sya?
Nasasaktan sya sapagkat wala kanang oras para sakanya
Ngunit, napansin mo ba?
Nakita mo na ba syang nagreklamo sayo?
Nagalit ba sya nung nalaman nyang di mo na sya naaalala?
Hindi. Dahil kailanman hindi nya tayo sinumbatan sa mga gawain nating makasalanan
Kailan man ay wala tayong narinig na masasakit na salita sa ating mga kamalian
Kailan man hindi nya tayo pinapahirapan kahit nasasaktan na natin ang kanyang pakiramdam
Ngunit ikaw,ako,tayo. Anong ginagawa natin sakanya?
Kapatid, nasasaktan din natin ang Panginoon
Nasasaktan sya sa tuwing nakikita nya tayong nahihirapan at gusto na lamang magpakamatay
Nasasaktan sya kapag sinusumbatan natin sya sa mga nangyayaring hinde maganda sa ating buhay
Ngunit, lahat yan tiniis ng Panginoon
Dahil nga mahal nya tayo
Mahal tayo ng Panginoon, kapatid.Kaya habang maaga pa, bumalik kana sa piling nya
Sapagkat tayo'y laging ligtas sa mga bisig nya
Simulan muna ulit magbasa ng mga paalala at bilin nya
Huwag kang papadala sa mga pagsubok na ibinibigay nya
Sapagkat sinusubok lang nya ang pananampalataya mo sa kanyaKumuha ka ng lakas at talino sakanya
Lahat ng mga bagay na ginagawa mo ay ialay mo ng may pagmamahal sa kanya
Bumalik kana sakanya.
"The pain you've been feeling can't compare to the joy that's coming"
- Romans 8:18God bless everyone!