Sa araw araw na nakakasama kita
Hindi ko namamalayan na sinisira ko na pala
Sinisira ko na ang pangakong binitawan natin sa isa't isa
Ang pangakong "Hinde tayo maaaring mahulog sa isa't isa."
Dahil simula palang lininaw mona
Ang katotohanang hanggang magkaibigan lang tayong dalawaIkaw ang matalik kong kaibigan sa lahat ng aking kabarkada
Ikaw yung tipo ng tao na komportable ako kahit saan magpunta
Pati nga skedyul ng pagpasok at paglabas ko sa paaralan ay alam mo naAt hindi ko maipagkakaila na sa bawat nakikilala kita at ang ugali na mayroon ka,
Hinde ko maipagkakaila na
ako'y nahuhulog na pala.
Nahuhulog sa bitag na ako mismo ang gumawaAyokong sabihin sayo ang aking nadarama
Dahil baka paggising ko, dinadaan mo nalang ako kapag nagtatama ang ating mga mata
Baka paggising ko, wala na akong kaibigan na mapupuntahan paSabi nila, "Bakit hindi mo sabihin? Malay mo, parehas lang pala kayo ng pagtingin at ayaw nyo lang aminin?"
Oo nga, tama sila. Dahil sa mga storya, ganon naman talaga hindi ba?
Pero, oo nga pala. "Hindi naman happy ending ang itinakda sa ating dalawa"
Alam ko na kahit magpaganda pa ako
Kahit paputiin ko pa ang kutis ko
At magmaka-awa sa harapan mo
Hinde mo ako mamahalin at hindi mo ako magagawang mahalinDahil oo nga pala, may minamahal kana
Ako lang naman ang nahulog sa ating dalawa
Dahil kahit alam kong imposible
Sinubukan ko paring sumugal sa katiting na pag-asaMagiging masaya nalang siguro ako
Tama.
Magiging masaya nalang ako.
Sa inyong dalawa ng kapatid ko