Nay, pakinggan mo ang tulang nasulat ko
Intindihin mo ang bawat salitang bibitawan ko
Dahil dito ko ilalabas lahat ng nararamdaman ko
Mga nararamdaman kong hindi ko masabi sa iyo dahil natatakot ako.
Natatakot ako sa magiging reaksyon mo.Nay, nasasaktan din po ako.
Nasasaktan ako sa tuwing kinukumpara nyo ako sa ibang tao
Alam kong hindi ako matalino
Ngunit ginagawa konaman lahat ng makakaya ko
Para pagdating ng araw, masabi mong worth it lahat ng paghihirap mo
Nay, nasasaktan din po ako
Sa tuwing pakiramdamdam ko hindi pa sapat lahat ng ginagawa ko
Nay, nasasaktan din po ako
Hindi po ako bato.
Alam ko pong hindi ako perpekto
Matigas ang ulo at minsan hindi maintindihan ang pinagkaiba ng biro at seryosoPero nay, may pangarap din po ako para sainyo
Nais ko lamang pong suportahan nyo ako sa bawat gagawin ko
Kaya nga ako nag aaral ng mabuti para maiahon ko kayo
Maiahon sa hirap at umalis sa lugar na to
Gusto ko rin naman maipalasap ang magandang buhay sa inyo
Ipakain lahat ng gusto kapag ako'y sumweldo
Hinde ko sinasabi to dahil nanunumbat ako
Sapagkat kahit anong mangyari, alam ko sa sarili ko na mahal ko padin kayo
Dahil ikaw ang nanay ko