Parang kahapon lang,masaya pa tayo
Parang kahapon lang, sakin lang umiikot ang mundo mo
Parang kahapon lang,ako pa ang dahilan nyang ngiti mo
Parang kahapon lang, ayaw mong mawala ako dyan sa tabi moPero bakit? Bakit bigla kang nagbago?
Ano bang ginawa ko?
Pakiusap, sabihin mo
Ibababa ko ang pride ko para lang magkaayos tayoLuluhod ako sa harapan mo
Wala akong pake kung magmukha man akong tanga kakahintay sa tapat ng bahay nyo
Wala akong pake kung pagtawanan man ako ng iyong mga kaibigan at husgahan ng karamihanMahal, bakit?
Bakit bigla kanalang nanlamig?
Bakit hindi kana tinatablan ng aking kilig?
Wala naba ang iyong pag ibig?Naalala ko pa non, nung araw na sinagot kita.
Ang saya saya mo
Ang sabi mo "Hinding hindi mo na ako pakakawalan pa"
Pero nasan na iyon mahal?
Katulad kadin ba nila?Hanggang salita kalang ba talaga?Sa bawat araw na nagdaan
Hindi ka maalis sa aking isipan."Tayo paba?"
Mga katagang gusto kong itanong ngunit natatakot ako
Natatakot ako sa magiging sagot mo
Natatakot ako na baka kapag nagtanong ako
Ang magiging sagot mo "Break na tayo"Ayoko..
Ayoko...
Ayoko, Mahal
Pakiusap wag na wag mong babanggitin ang mga katagang iyan
Hanggat kaya ko lalaban ako
Susugal akoMahal, pakiusap pag usapan natin toh
Magbabago na ako
Hindi na kita pagbabawalan sa pagdo dota mo
Hindi na ako mangungulit na itext mo ako
Hindi na ako magiging sagabal sayo
Basta sabihin molang na "Mahal mo pa din ako"Ngunit noong nalaman ko na meron kanang iba
Nawala na ang katiting na pag asa
Pag asang babalik kapa
Kaya pala
Kaya pala nanlalamig kana dahil pinapainit ka na ng ibaPero bakit?
Sabay naman tayong nahulog sa isat isa ah?
Bakit ikaw lang ang nakabangon?
Pwede bang pakituro naman sa akin
Dahil hirap na hirap na ako
Masakit padin pala mahal
Ang sakit sa mata na makita ka
kasama ang ibaPero bakit.....
bakit bestfriend ko pa?