"Be careful who you trust because not everyone who smile at you is your friend."
Mayroon syang hindi nalalaman
Siya pala ay pinag uusapan
Buong madla ay labis syang pinagtatawanan at pinandidirihan
At higit sa lahat ay kinasusuklaman na sya ng karamihanMga sikreto nyang pinaka iingatan ay naibunyag sa karamihan
Isa lang ang pinagsabihan ngunit nalaman na ng buong bayanAng pinakamasakit na parte ay mismong mga kaibigan nya ang may gawa niyan
Mga kaibigan nya na labis nyang pinagkatiwalaan
Ngunit sinira nila ito ng tuluyanAkala nya ang mga kaibigan nyang iyan ang makakaintindi sa kanya
Sila ang masasandalan nya sa tuwing sya'y may problema
Sila ang magiging panyo nya sa tuwing papatak na ang mga luha sa kanyang mga mata
Ngunit, nagkamali sya
Nagkamali pala sya.Labis syang nasaktan sa kanyang nalaman
Hanggang dumating sa puntong ayaw na nyang makipag kaibigan
Sapagkat natatakot syang muling mapagtaksilan
Ng mga taong labis nyang pinahahalagahanHanggang ngayon hinde parin nya makakalimutan
Ang masakit na nakaraan
Tila ba nakatatak na ito sa kanyang puso't isipan
Kaya naman mas ginusto nyang mapag isa na lamang
Upang maiwasan nyang masaktan sa parehong paraan