Tatanggapin nyo pa rin ba ako kapag sinabi kong ang gusto nyo ay taliwas sa nararamdaman ko?
Una palang naramdaman ko na.
Naramdaman ko na na parang may kakaiba
Kakaiba, dahil hindi normal sa paningin ng ibaMga damit na pinapasuot
ay maiiwan lang na gusot-gusot.
Mga materyal na bagay na ibinibigay nyo ay maiiwan lang sa bahayNoong una, hindi ko pa ito pinag-tuunan ng pansin
Ngunit, lumipas ang panahon Naramdaman kong marami ng pagbabago
Hindi na ako yung dating ako
Mula sa pananamit ko, pagsasalita ko
at lalong lalo na sa pagkilos ko.Marami ng nakakapansin
Ngunit wala silang balak na ako'y tanungin
Wala din naman akong balak na sila'y sagutin
Dahil maging ako mismo ay hindi alam kung anong nangyayari sa akin.Dumating sa puntong alam ko na alam ko na
Ngunit natatakot akong tanggapin sa aking sarili ang katotohanan
Ang katotohanan na siguradong gugulantang sa aking mga magulangOo mahirap, dahil hindi ko inakala na ito pala ang gusto ko
Ito pala yung kulang na parte sa buhay ko
Ito pala yung hinahanap-hanap ko
Ngunit kahit ganito ang sitwasyon ko,masaya ako dahil nahanap ko na ang tunay na pagkatao koDumating sa puntong dapat sasabihin ko na sa inyo
Ngunit nawalan ako ng pag-asa nung nakita ko ang mga ngiti nyo habang hinihintay nyo ako sa tapat ng ating pinto
Natakot ako.
Oo, naduwag ako.
Hindi ko masabi sa inyo ang totoo dahil ayokong magbago ang pakikitungo nyo
Hindi ko masabi sa inyo dahil ayoko din masira ang relasyon na mayroon tayoKaya hanggang ngayon...
Hanggang ngayon
Nakokonsensya padin ako
Dahil alam ko sa sarili ko na nagbabalat kayo lang ako
Kapag kayo ang kasama ko
Na napipilitan lang ako na gawin ang mga bagay na ayokoAng hirap pala
Ang hirap pala kapag may tinatago ka
Gusto ko nalang itanong sainyo ang mga katagang hindi masabi sabi ng dila ko
Gusto ko nang matapos tong pagpapanggap ko
Gusto ko sanang itanong sainyo kung tatanggapin nyo parin ba akoTatanggapin nyo pa din ba ako
kapag sinabi kong babae din ang gusto ko?