Dedicated to her kase siya unang nagrequest sakin na gumawa ng book 2. Thanks for your support Shane :***
So here's Chapter 1
***************************************
Chandria's POV
"Baby,tayo na. Maglakad-lakad na tayo." Andito kami sa Bohol kasama ang lahat ng mga kaibigan ko na gumawa ng plano para i-surprise ako. Sosyal diba? Hahahaha.
"Sige baby,magpapalit lang ako" Kakarating lang namin dito sa hotel na pinagcheck in namin.
Nakakalungkot nga eh,wala si Carlo :'( namimiss ko tuloy katakawan niya. Wala rin siya sa surprise. Ano kayang nangyare sakaniya?
Sinuot ko yung shorts at spaghetti strap na dala ko. Ang init eh. Sana naman hindi na ako pagalitan ni Christian kagaya dati sa Tagaytay.
"Tara na,excited na ako. Guys bihis na kayo bilis lakad-lakad tayo!" Aya ko sakanila pagkatapos kong magpalit.
Lumapit sakin si Christian ng parang nalulungkot. "Baby naman eh :(" Luh? Anong ginawa ko?
"Bakit?"
"Inaya nga kita maglakad-lakad para magka-alone time tayo eh" sabi niya. Eh bakit? Ayaw niya kasama yung iba?
"Ang sama mo,ayaw mo sila isama satin"
"Six years na nga kayo magkakasama ng wala ako eh :'( . Alone time naman tayo please?" Hayy naglalambing ang boyfriend ko. Sabagay,namimiss ko narin siyang kasama.
"Uhmm guys,una na kami ni Christian ha?"
"Sure" sabay sabay nilang sabi. Naglakad lakad kami sa beach. Grabe ang ganda,white sand. Ang tahimik pa ng paligid.
"Musta ang baby ko after 6 years?" Pangungumusta ni Christian.
"Maganda parin. Hahaha. Ikaw? Musta after 6 years?"
Kapal ng fezz ko hahaha.
"Mahal ka parin" Asus,nagpakilig pa. Namiss ko rin toh sakaniya. Yung pagpapakilig niya.
"Weh? Baka may ibang babae ka dun ah. Andami pa namang sexy sa US."
"Pssh. Care ko kung sexy sila? Mas sexy ka naman"
"Baliw!" Hahaha. Mas naging sira ulo toh.
"Swimming tayo,gusto ko na magswimming eh" Kanina ko pa talagang gusto magswimming. Tumawa naman si Christian.
"Huy! Bakit ka tumatawa dyan?" Nabaliw na talaga siya. Tumatawa ba naman ng walang dahilan?
"Naalala ko lang yung ginulat kita dati tapos tinulak kita sa pool" May dahilan naman pala eh,kala ko wala. Hahaha naalala ko nga yun. Nag-eemote pa ako kay Lean noon eh.
"Dali na swimming na tayo"
"Wow! Magswiswimming ka naka-shorts na maong? Ibang klase ka rin eh noh" Oo nga naman. Hahaha nakalimutan ko hindi ako nagswimsuit.
"Mamaya na nga lang." Lakad ulit kami. As usual nakaakbay parin siya kagaya ng dati.
"Guys! Andito na pala kayo!" Sigaw ko nung nakita ko silang lahat. Nakita kong nagpout si Christian. Ahaha.
"Ay wala! Nasa Manila kami!" Sabi ni Lean. Pinilosopo nanaman ako -_-
"Ha-ha-ha hambalusin kita dyan eh! Pilosopo mo nanaman! BTW asan si Anna?" Pansin ko lang wala si Anna.
BINABASA MO ANG
Something New In My Life ♥ [Everything - Book 2]
FanfictionAfter 'Everything', Chandria,Christian,Rina,Anna,Karen,Beatriz,Michelle,Regin,Lean,Carlo and Bryan will face another chapter of their lives. New persons, New friends, New enemies ,and New problems....