Chapter 33

284 8 2
                                    

Dedicated to rylle_14 thanks for the vote

Mike's Pov.......

Hindi ko alam kung anong nangyari kay mikee dahil ilang araw na niya ako iniiwasan. Kahit tanungin ko sa mga kaibigan niya hindi nila sinasabi sakin, ilang araw narin akong binabagabag ng damdamin ko, simula nung nakikipagbalikan sakin si shirlene. Umiwas ako sa kaniya upang makapag-isip at lalo ako akong naguluhan dahil Missing in action si mikee at namimiss ko na siya

"Uyy ayiee" narinig kong kantyaw ni gelo kanila joyce habang papalapit saakin. Nakaakbay si josh kay joyce. Nakita ko din si Mikee na paparating. Gusto ko siyang kausapin pero parang ayaw niya ako kausapin kaya bibigyan ko muna siya ng space. Napansin ko rin na wala pa dito sila ashton kaya nagtanong ako

"Asan sila ashton?"

"Ewan" sagot ni Rian at pumasok na sa loob ng kotse kasama si lyka. Magkakasabay pala kami umuwi ngayon.

Pumasok narin sila joyce sa loob. Bale kami nalang ni mikee ang nandito. Nauna siyang pumasok sa kotse. Hindi ko alam kung papasok ba ako nung nagsalita siya

"Hindi ka ba papasok?" tanong niya. Shet namiss ko yung Boses niya na ako yung kinakausap. Pumasok ako sa loob at umandar na ang kotse pero back to not talking nanaman kami at hindi talaga ako sanay na ganito kami.. Sa pagbabiyahe namin nakaearphone lang siya at nakatingin sa bintana, nakita ko ang isang bar na mahilig namin puntahan nina ashton. Parang gusto ko uminom ngayon...

"Kuya itigil mo" sabi ko sa driver at bumaba pero bago yun nakita ko ang mata ni mikee na nagtataka. Bahala na gusto ko lang makalimot..

Mikee's Pov.......

Bakit hindi man lang siya namamansin? Kahit alam na niya yung nangyari saamin nung foundation day?

Flashback.......

Galit na galit kaming hinila ni Josh at Rian sa may guidance office nung nakasalubong namin si mike. Nagulat siya sa nakita niya at tila nagtatanong,tumingin siya sakin pero yumuko lang ako

"Anong nangyari?" tanong niya. Tinignan siya ng masama ni Joyce

"Muntik na kami marape ng mga nerdy guys but then someone out there are flirting with their exes" sarcastic na sabi ni Joyce. Mukang nakuha naman ni mike yun dahil napayuko siya. Tinignan niya uli ako

"Ayos ka lang ba?" he asked

"Yeah good thing natakot yung binubog ni Josh kaya sinama na niya yung may balak sakin" walang emosyon kong sagot sa kaniya.

End of flashback....

Wala bang epekto sa kaniya yung nangyari? Hayyy ang gusto ko lang naman magpaliwanag siya at lumapit sakin. Bakit nga ba siya magpapaliwanag? Kami ba? Baka nga nagbalikan na sila ng ex niya eh.

"Manong itigil mo" narinig kong sambit ni mike at bumaba siya sa sasakyan. Nakita kong pumasok siya sa isang bar. Bar ito ng tita ko ah? Bakit siya pumasok? Bumaba rin ako sa kotse at sinabihan si manong na mauna na. Sinundan ko si mike pero i keep a distance of 1 meter away from him para di niya ko makita.

Nakita ko siyang nag-iisang nakaupo sa may Vip area sa taas at umiinom siya ng alak as in yung hard drink. Nakadama ako ng inis. Bakit ba siya umiinom? Pinagmasdan ko lang siya habang umiinom at bigla niyang sinabunutan ang sarili niya kaya lumapit ako

Mike's Pov.........

Pang-sampu ko ng tungga ito pero may humablot ng chaser

"Ano ba?!"sigaw ko, laking gulat ko nung asa harap ko si mikee. Napangiti ako ng hindi ko alam

The Maldita's & The Five Jerks (Wattys 2017) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon