Chapter 27

315 9 3
                                    

A/N: nabago na po ang characters kasi feel ko po di bagay ang tunay na kami kaya korean nalang din hahaha btw Joyce pic on multimedia

Angelo's Pov............

Ughhh ano ba to ang sikip!!!! Pagkakaalam ko wala akong katabi pero bat ang sikip?? Umikot ako at may natamaang kung ano sa harap ko. Ano ba to? Tao ba to? Minulat ko ang mata ko

"Waahhh----" agad kong tinakpan ang bibig ko dahil gumalaw siya. Nak nang! Bat andito to? Pagkakaalam ko bawal sila dito ah? Ehhh bat andito siya sa kama ko? Wengya naman oh. Tinanggal ko yung maliit na piraso na pinantatakip ko sa tenga ko pag natutulog

"Hmmmm" ungol ni angge, oy wag kayo ahh ibang ungol asa isip niyo tsk tsk.

"Morning" bati ko sa kaniya,agad naman siyang umupo at nalaki ang mata

"Eh? Bat andito ako?" takang tanong niya

"Ewan ko sayo, nakita nalang din kita sa kama ko eh" paliwanag ko. Nagisip siya sandali at nung mukang nalaman na niya ay kumaripas siya ng takbo sa labas. Ako naman tawang tawa habang papunta sa banyo para magmumog..

Pagkalabas ko ng kwarto nagulat ako lahat sila asa mesa na at may kasamang pogi lalake na katabi ni Ash.

"Oh bro? Masarap ba tulog mo? Mukang nakabuo kayo ah?" ngising tanong ni Ashton di ko nalang siya pinansin at umupo na sa upuan

"Sino to?" tanong ko sabay turo sa lalaki

Ashly's Pov........

Asa kusina kami ng sobrang aga dahil walang magluluto ayos lang kasi marunong naman si joyce magprito si lyka sa sabaw ako sa kape at si mikee sa pagaayos ng mesa si angge? Ayun! Inutusan ko siyang gisingin ang mga lalaki pero kulang sila. Hindi pa sila lumalabas ni gelo

"Asan yung dalawa?" tanong ko kay ashton

"Ayun iniwan na namin habang inis na inis si angge dahil tulog mantika si gelo hahaha" sagot niya

"Hahaha sige tara kain na tayo hayaan mo sila jan" sabi ni Joyce kaya umupo na kami sa upuan. Alangan sa lamesa diba?

Habang asa kalagitnaan kami ng pagkain may kumatok sa pinto. Walang kumikilos kaya ako nalang ewan ko ang bait ko ngayon kasi pu maganda ako ih hehehe.  Pagkabukas ko nanlaki ang mata ko

"Ahhhhhhhhhh" sigaw ko at niyakap yung asa pinto

Alalang-alala namang lumapit si Ashton sakin

"Ano nangyari?" tanong niya pero di ko siya sinagot at nakayakap padin ako. Naramdaman kong nabadtrip si Ashton at padabog na umupo. I have a bright idea ;) dinala ko sa loob yung kasama ko at nagulat din sila Joyce pero nagsitayuan sila at niyakap yung kasama ko

"Omgeee andito ka!" sigaw ni Joyce

"Tani!!!" masayang bati ni Mikee

"Hello!!!" bati ni Rina

Sa sobrang tuwa namin ay nakalimutan na namin umupo sa hapag kainan.

"Ehem, you're eating you know" sabi ni Mike at nakita namin na nakabusangot lahat ang muka nila lalo na si Ashton hahahaha may ibinulong ako sa mga girls pati sa kasama ko at napatawa sila.. Umupo na kami at nagkwentuhan

"So kelan ka pa bumalik?"-Joyce

"Kanina lang sabi kasi ni tita daanan ko muna si ashly babes baka daw magtampo" hahahaha natawa ako sa sinabi niya nakikisakay talaga siya sa trip namin palagi. Lalo naman akong natawa sa reaksyon ni Ashton dahil pulang pula na siya sa galit haahahaha omgee

"Buti naman naisip mo ko" sabi ko ng malakas at kumindat sa kaniya

"Syempre naman lagi nga kitang iniisip eh" tapos kinindatan niya din ako hahahaha tatayo na sana si ashton pero biglang dumating si Angge na kabang kaba at umupo

The Maldita's & The Five Jerks (Wattys 2017) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon