Third person's POV..................
masayang dumaan ang pasko ng mga magbabarkada ngayon ay naghahanda na sila para sa darating na bagong taon. Nandun sila sa mansyon ng mga Falcon upang magcelebrate. Habang busy ang mga pamilya na maghanda. Ang Malditas naman ay busy sa pagbabalot ng kanilang mga regalo, habang ang jerks ay nandon sa garden at nagjajaming.
Mike's pov......
Bagong taon na! Ay wait wala pa pala hahaha. Happy new year sa inyo galing sa pinakapoging mike *wink* nakakahawa si ashton eh. So andito kami sa labas ngayon at nagjajaming. Ako yung lead vocalist nila, at si josh? You will be surprised. Nagbago na ang aura niya at siya ang rapper namin! Gulat kayo noh? Haha nabalitaan kasi namin na nanliligaw na siya kay Joyce kaya ganyan na ang vibes niya. Nagulat nga kami nagrarap pala siya.
"Nang mainlove ako sayo kala ko pagibig mo ay tunay ngunit hindi nagtagal lumabas din ang tunay na kulay" nagrarap siya habang yung kamay niya pinapagalaw niyang parang dj. Oh diba hahaaha
"Guys" tawag ni gelo
"Oh bakit par?" nginuso niya yung sa balcony ng guest room. Tumingin kaming lahat don at nahuli yung mga mahal namin na nakasilip. Bigla pa silang pumasok sa loob na kala mo walang nangyari. Nahuli na nga sila hahahaha
Mag-aalas onse na nung napagpasyahan naming pumasok na sa loob. Nailagay na namin lahat ng regalo sa ilalim ng christmas tree at ngayon kumakain na kami.
"Kamusta naman ang naging bakasyon niyo nung pasko mga anak?" tanong ni tita Jo
"Ayun tita madaming nangyari pero sobrang saya" sagot ni ashly sabay silay kay ashton. Tumawa naman kaming lahat.
"As planned mga kumare at pare" komento ng papa ni Josh
"Kayo talaga daddy" puna ni Josh sa papa niya. Kilala kasi namin sila, plinano nilang lahat na kami ang magkatuluyan. Plano na nila yun highschool palang sila.
"Hala sige kumain lang kayo jan at mamaya manonood na tayo ng fire works" sabi ni mommy kaya nagpatuloy na kami sa pagkain
A few minutes later.........
Natapos na rin kami kumain at nagseset up na kami ng fire works
Masayang nanonood sila mommy at yung mga girls. Maya maya pa ay naka set up na at nag ka count down nalang kami"10!" sigaw naming lahat
"9"
"8"
"7"
"6"
"5"
"4"
"3"
"2"
"1""HAPPY NEW YEAR!!!!" masaya kaming tumingin sa fire works na nagpuputukan sa langit. Hinawakan ko ang kamay ni mikee.
"I love you" lumapit siya sakin at hinalikan ako sa lips
"I love you more" ugh best feeling. Sana di na matapos yung ganitong moment lord. Pero alam namin na may panibagong hamon sa buhay namin ngayon at sana makayanan namin lahat harapin.
Josh's Pov......
Ansaya ng pakiramdam ko ngayon. Yung feeling na bumalik ka sa dating ikaw. Yung hindi cold at walang paki sa mundo. Thats how i feel right now. It feels so right. Nakatingin ako sa muka niyang napakasaya habang nakatingala sa kalangitan dahil sa fire works. Pasimple kong hinawakan ang mga kamay niya. Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Sana lagi nalang ganito noh?" makikita mo ang tunay na kaligayahan sa kaniyang mga mata. Sobrang nakakabighani.
"Sagutin mo ko. Lagi tayong ganito" natuto narin akong kumindat dahil sa kaniya naipapakita ko yung isip bata kong side na gusto ko rin naman
"Che! Hahahaha" tinawanan niya lang ako pero alam ko na malapit na yun at hihintayin kong sabihin niya ang matamis na "oo" niya.
Pagkatapos ng firewors display. Pumasok na uli kami sa loob ng bahay at unti unting binuksan ang mga regalo.
BINABASA MO ANG
The Maldita's & The Five Jerks (Wattys 2017) ✔️
Teen FictionTMATFJ Completed Ranked #1 in teen clash Limang Maldita? Limang Maldita na nagrurule sa isang Academy.. Limang Maldita na Sikat sa Campus Limang Maldita na Matataray (malamang maldita eh) Limang Maldita na mayayaman at higit sa lahat...... Limang...