Chapter 34

296 11 2
                                    

Joyce's Pov.........

Oras na para mag-prepare para sa gaganaping christmas party mamaya kaya naman tinawagan ko na ang mga girls na pumunta dito sa bahay para mag-ayos

"Guys punta na here sa house" I said to them and they replied 'ok'

After 40 mins. Nandito na sila agad

"Hi guysssss!!!" sigaw ni Ashly at niyakap niya kami. Alam kong hindi siya masaya pero pinipilit niya at nakuwento niya na rin samin na hinalikan siya ni ashton sa gym >_<  inadvice namin siya na bigyan ng chance si ashton pero sabi niya wag daw muna ngayon

"Tara dali I'm so excited na!!" sigaw ni Mikee, nakarecover na daw siya, kahit mahal niya daw ang bestfriend niya kung hindi daw siya mahal ay susuportahan na lang niya. Ayaw niya naman daw kasing magkaroon ng burden lalo na't magpapasko..

"Okay tara sa kuwarto ko" nagpunta na kami sa kuwarto ko at binuksan ko na ang wardrobe ko na hindi talaga wardrobe para siyang kuwarto na malaki na puno ng damit sa kabilang pinto nito ay mga bags,shoes and etc.

Syempre dala nila yung mga damit nila, ang mga make-up lang ang kukunin namin.

"Hey Joyce kamusta na kayo ni Josh?" nagulat ako sa tinanong ni Rina, naalala ko tuloy siya. Nagiging sweet siya sakin lately pero biglang naging cold uli.

"I don't know" yan nalang ang nasabi ko. After 2 hours natapos na kami magmake-up

"Tara na guys? It's uhmm 6:00 pm" nagtime-check pa ko, diba hahaha. Sumakay na kami sa van dahil hindi namin feel na magkakahiwalay.

Nakarating kami sa Gym ng suot ay pang santa

Binati kami ng mga studyante na nandon.Hanggang sa makarating na kami sa stage, napansin kong wala pa ang mga sila Rian pero di ko nalang pinansin

"Good-evening, everyone welcome to F-Academy's Christmas party!!!!!!!!!!" sigaw ko, nagsigawan ang lahat at nagsimula na ang party naghanda kami ng ibat-ibang palaro pero ang mga representative ang nagpapalaro, nasa pangalawang laro kami nung may pumasok na limang lalaki at nakasuot ng uh? hindi siya costume casual lang siya at may dala silang mga gifts, nakaupo lang kami sa may sofa dito malapit sa tabi ng stage at pinapanood ang mga estudyante na naglalaro. 

lumapit si Rian kay Lyka at hilakan siya, smack lang, halata namang  nahiya si Lyka pero tumawa lang kami. Nagkasalubong kami ng titig ni Josh, bakit ganon yung titig niya parang malungkot na may namimiss na ewan? hayy bahala nga siya dyan. kung cold siya edi cold! 

umupo silang lima sa couch katabi nung saamin at nag-groupie sila, syempre di kasama si Josh dun, kj yan eh. tinitignan lang namin sila habang nagpipicture si Mikee nakatingin kay Mike na malungkot, nagkatinginan sila pero nag-iwasan rin ng tingin, si Ashly naman ay nakikipagdaldalan kay ange pero nakatingin sa kaniya si Ashton na malungkot. hayssssssssssssss bakit kaya nagkaganito kami? ano bang nangyari? sana maging maayos na ang lahat.

natapos na ang pangalawang laro at pangatlo na ito. napagpasiyahan kong sumali, hinatak ko si Mikee para maglaro. nagulat ako nandun din pala si Paul at Roly kaya may karamay kami. mukang ok naman si roly at mikee,parang friends pa nga sila eh. nag-paper dance kami with partners at kapartner ko si paul habang si mikee naman ay kay roly. natapos na ang laro at ang nanalo ay sila Mikee hahaha galing nila ipagsiksikan ang sarili nila eh! 

saktong kainan na kaya nagpunta na kami ni paul sa table na paikot, kasya dun ang sampu kasama namin dito si Mikee, Lyka,Rian, Ashly, Ange, Gelo at si Roly. si Josh pati sina Mike? hmmp! paki ko ba dun!  Kumakain kami nang may maramdaman akong may tumititig sakin pero binalewala ko lang. Busy sila sa pagkain kaya nag-paalam ako na mag-cr muna..

The Maldita's & The Five Jerks (Wattys 2017) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon