CHAPTER 13

6 1 0
                                    

SECRETS REVEAL
SASHA P.O.V
Pagdating namin sa America diretso agad kami sa bahay tinuro sa akin ni ate ang magiging room ko medyo malawak siya parang sa room ko din sa bahay sa pilipinas pinagbihis ako ni ate para ipasyal sa magiging school ko mukhang alam na alam ni ate ang mga daan dito sanay na ata siya assistant kase siya ni mommy satrabaho kaya andami niya nang napuntahang bansa ako nga Singapore at Japan pa lang kainggit si ate.
Dinala niya ako sa School of Catholic's maganda at malawak ang campus kaso mas bet ko yung school ko last year.Kamusta na kaya sila miss na miss ko na sila lalo na si Joseph ang malamig niyang boses si Hannah ang mataray Kong bestfriend si Karrylle na mapangasar si Topher na Lagi along binabara at si Christian na Hindi maitikom ang bibig pagdating sa sikreto siya nga ata ang dahilan kaya nalaman ni Joseph na crush ko siya nalaman ng tropa na may pagtingin ako Kay Francis..
Speaking of Francis pati siya namimiss ko na kahit na nasungitan ko siya..
"Ayos na daw lahat ng o kaya pwede ka ng pumasok this June,Ano ready ka na ba?"
"Naman ate"

After 1 month..
Sasha P.O.V
After vacation pasukan nanaman syempre medyo maninibago ako kase Hindi to basta school lang America to kaya medyo nakakakaba pagpasok sa sinasabing room ang dami ko ng nginitian pero wala man lang bumalik na ngiti umupo ako sa upuan sa harap ng teacher para naman medyo MA impluwensyahan along makinig at mag stay paren sa honor meron nga bang top dito o ranking man lang Hindi ko pa ata na reresearch..
May tumabi sa aking babae nagbibilang ako sa isip ko hanggang sampu kung sampu na kakausapin ko na siya.
ONE, TWO, THREE, FOUR, FIVE, SIX, SEVEN, EIGHT, NINE AND TEN. "Hi My name is Sasha Tolentino"

"Hello My name is Vanessa"

"How are you?"

"I'm fine"

"Can you be my friend?"

"Okay"

Finally may kaibigan na ako dito.

Kringggg so yun class dismiss na excited na ako bukas para sa second day pero kamusta kaya first day ng mga kaibigan ko kamusta kaya si karylle sa Korea miss ko sila.

Paguwi ko sa bahay umupo ako sa sofa nakita ko sa table yung envelope pero parang kinakabahan akong buksan yun.
"Ano ba sash wag ka ngang kabahan diba sabi ni ate Venice na okay lang yung test"bulong ko na ako lang ata ang laman ng bahay.
Dahan-dahan Kong binuksan ang envelope nakita ko ang isang pieasong papel na may pirma ng isang doctor.
"Sakit sa Pu-"
Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto pinatong ko ang envelope sa mesa may mga pumapatak ng luha na naguunahan sa pisngi ko, habang naglalakad ako tinatanong ko ang sarili bakit kailangan nilang itago sa akin.
Pagbukas ko ng pinto tinanong ako ni Lola.
"Bakit ka umiiyak"

"Lola sinabi ba sayo ni mommy yung resulta sa akin nung test?"

Lumuluha na rin si lola

"Bakit niyo po tinago sa akin. Ibig sabihin po banung test na saglit nalang ako sa mundo?"

Natahimik si lola umakyat ako papunta sa kwarto ko Hindi niya na ako napigilan, nandun ako magdamag at hinihintay na dumating sila mommy ,daddy, at ate para pakinggan ang explanation nila bakit nila itinago sa akin ang result..

SorryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon