Chapter 2

2.5K 54 3
                                    

PRINCE' KISS

( Book 2: Betty and the Prince )

written by: Lorna Tulisana

"Huwag mong sabihin,pare,na sa dinami-dami ng babaing naka-relasyon mo ay wala man lang kahit isang sumagi d'yan sa mapaglaro mong puso?".

Kasalukuyang nasa gym si Prince kasama ang tatlo nitong kaibigan.

Napatigil sa binubuhat na dumbell si Prince at naupo sa tabi ng kaibigang si Andrew na sandaling nagpapahinga, "Wala!".

"Baka naman,pare,hindi babae ang sasagi d'yan,try mo kaya sa lalake?!", pambubuska ni Albert na siyang pinakabata sa magkakaibigan.

Nagkatawanan ang tatlong kaibigan ni Prince.

"Ano kaya kung sa'yo ko unang subukan?", balik-biro ni Prince.

"Hindi tayo talo,pare!".

Muling nagkatawanan ang mga ito.

Napatingin si Prince sa isa sa mga babaing naroon sa gym na napapansin niyang kanina pa patingin-tingin sa kanya. At ng magtama ang kanilang mga mata,ngumiti ito sa kanya at gumanti naman siya ng ngiti dito.

"Mukhang may bago ka namang mabibiktima,pare?!", wika ni Mico na nakasunod ang tingin sa direksyong tinitingnan ng kaibigan.

Napadako din ang tingin nina Albert at Andrew sa tinutukoy ng kaibigan.

"It's not my fault! I'm just being friendly!",tumayo ito at nilapitan ang babae na nagpupunas ng pawis nito, "You need a hand?".

Matamis na ngumiti ang babae at walang kiming iniabot kay Prince ang hawak na face towel.

"Have we met before? Para kasing pamilyar ka sa akin?", halos pabulong nitong tanong habang masuyong pinupunasan ang pawisang batok ng babae.

It was his old line,but still very effective.

At dahil sa halos magkadikit na nilang mukha ay naramdaman ni Prince na hindi na niya kailangan ng mahabang pambobola.

"Are you free tonight?",ganting bulong ng babae na halos dumikit na ang mga mapupula nitong labi sa tenga ng binata.

----

Bagong paligo na lumabas ng banyo si Prince. Nakatapis lang ito ng puting tuwalya at titig na titig sa katawan nito ang babaing kanina pa naghihintay sa kanya sa higaan.

Dinala siya ng babaing nakilala niya sa gym sa sarili nitong condo. 

Ang suwerte nga naman!

" Are you ready,honey?', malambing na tanong ng babae na mas lalo pang sineksihan ang pagkakahiga sa malapad na higaan.

" I'm alaways ready!", lambing-sagot ni Prince  sabay tanggal sa nakatakip na tuwalya sa katawan na nagpa-wow ng malaki sa babae.

At katulad ng laging ginagawa ng binata,binusog muna niya sa halik ang babae,pinaiinit muna ito at pinatatakam na talaga namang bakas sa mukha nito ang kaligayahan na tila ba minsan lang nito maramdaman.

Pinagala ni Prince ang kamay na lalo pang nagpaungol sa babae.

" Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!".

----

Mas malakas pa ang tawanan ng mga magkakaibigan kaysa sa musikang pumapailanlang mula sa bandang tumutugtog sa entablado.

Nasa isa silang bar, at dito ay halos lunurin ni Prince ang sarili sa alak.

Hindi pa rin matigil sa kakatawa ang tatlo kahit tapos na sa pagkuwento ang binata tunkol sa nakakahiya at nakakadiri nitong karanasan.

" Ang tawag d'yan,Pare,KARMA!", pambubuska ni Albert.

Sinaid ni Prince ang laman na alak ng boteng hawak.

" First time in the history of a PRINCE na naka......".

" Shut up!", mabilis na pigil ni Prince kay Andrew.

Muling nagkatawanan ang tatlo.

" Imagine,perfect na perfect ang outlook niya,from head to foot she's really delicious, 'yon pala may itinatago siyang sandata na sabi mo nga,pare,ng mahawakan mo ay mas malaki pa sa dala mo!".

Lalong lumakas ang tawanan.

Mabilis na tumayo si Prince.

" Hoy! Saan ka pupunta? ".

Hindi pinansin ng binata ang tawag at ang malakas na tawanan ng mga kaibigan. Ito na yata ang pinakabangungot na naranasan niya sa buong buhay. 

Tinungo nito ang pasilyo patungo sa comfort room. Hindi yata sapat ang alak na pangmumog para mawala ang nararamdaman niyang pandidiri sa sarili.

He was not against third sex,tomboy man o bakla,hindi lang niya tipo ang mga ganito.

" Betty?! Bilisan mo at tayo na ang susunod!".

Bumangga kay Prince ang isang nagmamadaling babae na may hawak na gitara.

" Ay! ".

Mabilis na nasalo ni Prince ang dalaga bago pa man ito bumagsak sa sahig.

Sa pagtatama ng mga mata ng dalawa,tila may kung anong puwersa ang nagpatahimik sa paligid. Puso nila ay halos marinig na sa lakas ng pagpintig.

" Betty!".

Biglang natauhan ang dalaga, " Sorry,sir!", namumula ang pisngi nito ng humiwalay sa pagkakahawak ni Prince.

" It's okay! Just be careful!".

Mabilis ng tumalikod ang dalaga at habol-tanaw ito ni Prince na nakalimutan na ang pakay na pagmumog, " Women!", napailing ito.

Hindi na siya sigurado kong lahat ba ng babaing nakikita niya sa paligid ay tunay ngang babae. He'll need also to be very careful next time.

PRINCE' KISS (Book 2: Betty and the Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon