Chapter 4

2.5K 56 1
                                    

PRINCE' KISS

( Book 2: Betty and the Prince )

written by: Lorna Tulisana

Matapos ang paulit-ulit na pagtatanong kay Prince ng pamilya tungkol sa pagkakatagpo niya sa matalik na kaibigan ni Tessa  na walang malay sa daan ay tinungo nito ang sariling silid at naligo dahil basang-basang ito ng ulan.

At hindi maiwasan ng binata na muling sumagi sa isip ang pagnakaw niya ng halik kay Betty. Ito ang pangalang narining niyang binanggit ni Tessa na makita nitong buhat-buhat niya ang kaibigan ng marating ang vila.

Her lips was very familliar. Parang minsan na niya itong nahalikan. 

Naghihintay si Jemar ng makalabas ng banyo si Prince.

" Anong nangyari,Prince?", bungad ng kapatid.

" Bro,maka-sampu mo na yatang itinanong  'yan? Uulitin ko na naman ba ang sagot ko? Natagpuan ko lang siy a on my way here in those stage na walang malay at may mga sugat! Ano man ang nangyari sa kanya,hindi ko na alam pa!"

Sunod-sunod na katok ang nagpatigil sa magkapatid.

" Pasok!", sagot ni Jemar.

Pumasok si Tessa, " Nagkamalay na si Betty! Sisiguraduhin ko na mabubulok sa kulungan ang Lirio na  'yon!".

" Sinong Lirio?", takang-tanong ni Prince.

" Ex-boyfriend ko!", deretsahang sagot ni Tessa, " Nanggulo siya dito! Galit na galit siya ng umalis! Sa kuwento ni Betty nabundol siya ng isang sasakyan!".

" Bakit natagpuan ko siya sa labas ng kanyang sasakyan?", muling takang tanong ni Prince.

" Nasiraan siya! ".

" Okay na ba ang pakiramdam niya?", tanong ni Jemar.

" Okay naman! Naghihintay na ang mga bisita ko sa baba,ikaw,hon? Tapos na ba ang stag party n'yo?".

" Mauna ka na,susunod na lang ako!".

" Okay!".

Muling binalingan ng tingin ni Jemar ang kapatid ng makalabas ng silid si Tessa.

" What?".

" Napansin ko kanina kung gaano ka nag-aalala kay Betty at kung paanong parang ayaw mong ihiwalay ang tingin mo sa kanya! I'm warning you,Prince! Betty is a good woman! Mahalaga siya kay Tessa at ayokong magkasira kami kung pakikialaman mo siya! So,kung may balak kang isama siya sa collection mo,forget it!", seryosong pahayag ni Jemar.

Hindi nakaimik si Prince.

" Nasa east wing ang stag party,kung gusto mong makihalubilo,sumunod ka na lang!".

PRINCE' KISS (Book 2: Betty and the Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon