Chpater 1

3.8K 53 1
                                    

PRINCE' KISS
( Book 2: Betty and the Prince  )
written by: Lorna Tulisana

Sunod-sunod at malalakas na katok ang nagpamulat sa natutulog na si Prince.

Bad timing! Kung kelan naman maghahalikan na sila ng babaing laging laman ng kanyang panaginip ay saka naman may istorbo.

Kaya sa halip na bumangon ay nagtakip ito ng unan.

Pumasok ang isang mataba at matandang babae nang walang tumutugon sa mga katok nito. Mabilis nitong nilapitan ang nakahigang binata at niyugyog ito sa balikat.

"Prince,bumangon ka d'yan!".

"Nana Merna,kakatulog ko pa lang!".

"D'yoskong,bata ka! Inumaga ka naman ng uwi?", bakit ba hindi pa siya masanay sa alaga na gising sa gabi at tulog sa kasikatan ng araw, "Bumangon ka d'yan at may giyera sa labas!".

Sa salitang "giyera" ay napabalikwas ng bangon si Prince na halos ikabuwal naman ng matanda dahil sa pagkabigla. Alam na niya ang ibig sabihin noon.

Mabilis nitong sinuot ang puting sando na nasa paanan ng higaan at halos takbuhin nito ang hagdanan pababa.

Nasa bukana palang ng pinto ay tanaw na ng binata ang dalawang babae na nasa labas ng kanilang gate. At ang ingay ng mga ito habang nagtatalo ay halos tumawag pansin sa mga usyoserong katulong ng mga kalapit bahay.

Ang guard ng pamilya na nagbabantay sa gate ay napapakamot na lang sa ulo dahil sa hindi maawat na bangayan ng dalawang babae. At ng matanawan ng mga ito ang papalapit na binata on his sando ang boxer short,napatigil sandali ang mga ito habang ipinako ang tingin sa mala-adonis na kakisigan nito.

Maging ang mga tsismosang katulong ay hindi maalis ang mga mata sa binata. A very masculine man na talaga namang magpapatulo ng laway sa sinomang lahi ni Eva.

"What's going on here,Mang Tolfo?".

"Sir,katulad ng dati! Ayaw magpaawat!".

"Basta 'wag mo silang papapasukin!", halos pabulong nito sa matandang guard.

Tumango lang ito. Sanay na siya sa ganitong eksena. Nakasanayan na niya ito dahil sa pagiging pabling ng amo.

Lumabas ng gate ang binata.

"Prince,darling....", pauna ng isa, "....can you please tell this woman na ako ang girlfriend mo? Because she's claiming na may relasyon kayo!", matalim nitong tiningnan ang karibal, " Ambisyosa!", sabay irap dito.

Napatitig si Prince sa nagsalita. Maganda ito,matangkad,at seksi. Nakilala niya ito sa isang bar na madalas nilang puntahan ng mga kaibigan. He offered her a drink and they end up in bed. It was a one-night stand,they both enjoyed.

"Uhm....Tricia!", panimula ni Prince,ngunit nagkamali yata siya ng introduction dahil bumakas sa mukha ng babae ang galit.

At isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng binata.

"I am not Tricia,i'm Jenny!", halos pasigaw nito.

"See?!", panunuya ng karibal nito, "He can't even remember your name!".

"I mean,Jenny! What happen to us is just for fun! It's not.....".

"What??? It's just for fun?", putol nito sa iba pang sasabihin ng binata,hindi ito makapaniwala sa narinig.

"I'm so sorry if you misunderstood my....".

Hindi pa man natatapos ng paliwanag si Prince ng isa uling sampal ang dumapo sa pisngi nito.

PRINCE' KISS (Book 2: Betty and the Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon