Chapter 11

1.8K 35 0
                                    

PRINCE' KISS

( Book 2: Betty and the Prince )

written by: Lorna Tulisana

" How can you let this happen,prinsepe ? ".

" Ma,hindi ko hawak  'yong nangyaring sitwasyon! It was just misunderstanding! ", sagot ni Prince.

Nasa study room ng mansion ang buong pamilya. Matagumpay mang naidaos ang naganap na grand opening ng kompanya ay hindi pa rin nawawala ang mainit na usapin tungkol sa  naging away nina Betty at Anne.

" Misunderstanding? Halos puro pasa at kalmot si Anne,then you will say that it was just misunderstanding? ".

" Ma,kilala n'yo si Anne,i'm sure she provoked Betty! ", pagtatanggol ni Jemar.

Tahimik lang sa pagkakaupo si Carlo,malayo ang iniisip.

" Yes,kilala ko si Anne,and i'm sure kilala n'yo rin siya! For godsake,she is the heir of Madrid! And Freddie Madrid is our top investor! ".

" Ma,what happenned is nothing to do with the business! ", pangangatwiran ni Prince.

" Do you think,'yan din ang iisipin ng mga Madrid? ".

Napatingin lahat sa direksyon ni Carlo. 

" Kilala ko si Freddie,pagdating sa anak nila,they will do anything! They maybe sue Betty for physical injury, and public scandal and humiliation! ".

" Nasaktan din si Betty at binastos,Pa! ".

Hindi pinansin ni Carlo ang sinabi ng anak, " And the worst problem is,posible na i-pull out niya lahat ng investment niya sa kompanya! ".

Nanghihinang napaupo si Marta sa pagkakarinig sa naging turan ng asawa.

" Freddie Madrid have a 50% shares,at nangangahulugan  'yon that once he decided to pull it out,babagsak ang kompanya! ".

Napahagulhol si Marta,mabilis itong nilapitan at inalo ni Jemar.

" Pawis at pagod ang ipinuhunan namin ng papa  n'yo sa kompanya,and just because of that damn girl......".

Biglang napatayo si Prince, " Don't call Betty like that,ma! She was a good person at hindi ko hahayaan sino man sainyo na sirain siya o bastusin! ".

" Really,prinsepe?! ", napatayo rin si Carlo,gumuhit sa mukha nito ang pinipigilang galit, " How can you fight for that woman kung siya ang magiging dahilan ng pagbagsak ng negosyo natin at pagkasira ng pangalan natin! Damn it! ", sabay malakas nitong hampas sa mesa, " Wala ka na ngang naitulong sa pamilyang ito,puro problema pa ang dinadala mo dito! ".

" Carlo?!", saway ni Marta.

Nagtiim ang bagang ni Prince. Mabilis itong walang paalam na tumalikod at lumabas ng silid. At napatigil ito sa paghakbang ng makita si Tessa na naghihintay sa labas ng pintuan. Luhaan ito. 

PRINCE' KISS (Book 2: Betty and the Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon