Chapter 5

2.2K 48 2
                                    

PRINCE' KISS

( Book 2: Betty and the Prince  )

written by: Lorna Tulisana

Hindi mapakali si Prince  sa sala ng Mansion de San Agustin. 

Panay ang sulyap nito sa hawak na cellphone at sa telepono na nakapatong sa ibabaw ng maliit na sidetable.

 Palakad-lakad ito na halos ikairita ng ina na nanonood ng balita sa telebisyon.

" Will you please stop it,Prinsepe!".

Napatigil sa paghakbang ang binata at napatingin sa ina.

" Kanina pa ako nahihilo sa kasusunod ng tingin sa'yo! Hindi ko na maintindihan ang pinanonood ko! Ano bang problema mo?".

Pabagsak na naupo sa malambot na sopa si Prince, " Ma,wala ba talagang tumawag sa akin?".

" Ilang beses mo nang itinanong  'yan sa akin? Lahat ng kasambahay dito natanong mo na rin! Sino ba ang napakaimportanteng tao na  'yan at halos isang linggo kang hindi lumalabas ng bahay sa kababantay ng telepono?".

Hindi sumagot ang binata. Sumandal lang ito sa kinauupuan. 

At sa pagtunog ng telepono halos atakehin si Marta sa sobrang pagkagulat ng biglang tumayo si Prince at takbuhin ito.

" Hello?".

" Pare,hindi ka naman ba sasama sa amin?".

Nalaglag ang balikat ng binata sa pagkakarining ng boses ni Albert sa kabilang linya.

" Sorry,you've got a wrong number!", at sabay bagsak nito sa telepono.

Bakit ba hindi pa rin tumatawag sa kanya si Betty? Mali ba ang number na naibigay niya dito? 

Napatingin si Prince sa hawak na cellphone ng mag-vibrate ito. Si Mico.

Nasaan na ba ang babaing  'yon? Hindi ba nito alam na halos isang linggo na siyang naghihintay sa tawag nito?

----

Agad na tinungo ni Betty ang palapag ng mall kung saan nagbebenta ng mga secondhand na cellphone. 'Yon lang ang kaya ng budget niya. 

Nasa huling taon na ng kolehiyo ang bunso niyang kapatid kaya sobra ang patitipid niya dahil sa magastos na ito.

Maraming sanang pagpipilian na cellphone model kaso mahal pa rin. 

Napako ang tingin nito sa Nokia 3315 na nasa estante. 1500. 

Napabuntong-hininga ng malalim si Betty. Baka pagtawanan lang siya ng mga ka-banda,kaibigan,at mga kakilala kung ito ang model na gamit niya samantalang ang uso na ngayon ay SAMSUNG GALAXY at EXPERIA.

PRINCE' KISS (Book 2: Betty and the Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon