Chapter 10

2.1K 44 0
                                    

PRINCE' KISS

( Book 2: Betty and the Prince )

written by: Lorna Tulisana

" May ginagamit ka bang deodorant? ".

" Pati 'yan? ", nangingiting tanong ni Prince.

Nasa bahay siya nina Betty para sunduin ito. Grand opening ng branch ng kompanya nila at nais niyang ipakilala sa mga kaibigan ang kanyang nobya.

" Kuya Prince,bilang leader ng PRINCE FOREVER FAN CLUB,dapat lagi akong may nakahandang sagot sa mga posibleng itanong ng bawat miyembro ko! ".

" Para naman kasi saan ang club na 'yan,e hindi naman ako arista?! ".

" Basta! Mabuti na 'yong laging handa para kung sakali mang maisipan mong mag-artista,kami agad ang unang-una mong mga tagahanga! ".

" Althea,tigilan mo nga ang pangungulit mo kay Prince! ",sita ni Mang Alvin,tumayo ito at naupo sa tabi ng binata, " Marami ka pa doong hugasin sa lababo, 'yon muna ang asikasuhin mo! ".

Nakasimangot na umalis si Althea.

" Prince,iho,pagpasensiyahan mo na anak ko,talagang makulit lang 'yon! Siyanga pala.....", may dinukot itong papel sa bulsa, "Tataya kasi ako bukas sa lotto,alam mo kasi may dala kang swerte sa pamilyang ito,baka swerte ka rin sa mga numero kaya....".

" 'Tay?! ".

Mabilis na itinago ng matanda ang papel sa pagkakarinig sa tinig ni Betty. Tumayo naman si Prince at lumarawan sa mukha nito ang paghanga sa kasintahan. Lumutang ang simpleng ganda nito sa suot nitong blue cocktail dress. Nakatali ang mahaba nitong buhok sa likuran. At kuwintas lamang na iniregalo niya noong first monthsary nila ang palamuti nito sa katawan. How he always admired her simplicity. Katangiang hindi niya nakita sa mga babaing nakarelasyon niya noon. 

Betty is different. She is unique,one of a kind. At tulad ng laging tinutukso sa kanya ng mga kaibigan,he'll soon be in the GUINESS BOOK for always breaking a record. Dahil si Betty lang ang nakapagpabago at nakapagpatino sa tulad niyang pabling. At ito rin lang ang naging nobya niya na nakarelasyon niya ng matagal. Yes,they are already six months together,at hanggang ngayon ay masaya pa rin siya and still in-love with his one and only princess.

" O,anak,aalis na ba kayo? Prince........", iniiwas nito ang tingin sa nagbabantang mga mata ng anak at sa halip ay bumaling ito sa binata, " ......ikaw na ang bahala sa dalaga ko,ha? Ingatan mo 'yan! ".

" Opo, 'tay! ",magalang na tugon ni Prince.

Mabilis ng tumalikod si Mang Alvin matapos makapagpaalam. 

" You look wonderful tonight! ", sabay bating-halik nito sa nobya.

" Bolero! Pero,salamat! Gusto ko maging presentable ako para naman hindi ka mapahiya na isang simpleng bokalista lang ang girlfriend mo! ".

PRINCE' KISS (Book 2: Betty and the Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon