Chapter 12

1.9K 41 3
                                    

PRINCE' KISS

( Book 2: Betty and the Prince )

written by: Lorna Tulisana

" Anak,bakit parang matagal ng hindi nadadaan dito si Prince ? ", puna ni Mang Alvin.

Kumakain ng almusal ang pamilya kahit pa nga halos hindi na malunok ni Betty ang kinakain dahil sa nararamdamang emosyon,dumagdag pa ang tanong ng ama.

" Oo nga,ate! Gusto ko sanang ipakilala sa kanya ang mga bagong miyembro ng PRINCE FOREVER FAN CLUB! ".

Hindi umimik si Betty,nakatitig lang ito sa pagkaing nasa harap. Nagkatinginan sina Mang Alvin at Althea.

" E,anak! Maawa ka naman sa isda,patay na nga niluray-luray mo pa! ".

Biglang napatingin si Betty sa isda na nasa plato at sa hawak na tinidor,hindi na niya namalayang dito na niya ibinuhos ang pinipigilang inis sa kanyang nobyo na halos isang linggo na ring hindi  nagpapakita sa kanya,at wala man lang tawag para ipaalam sa kanya na humihinga pa ito o kumustahin man lamang kung humihinga pa siya!

" Ahhhh! ", at sa huling unday ng tinidor nito,durog ang ulo ng isda.

Napatitig na lang sina Mang Alvin at Althea sa dalaga na animo ay takot na sa kanila isunod ang tarak ng tinidor. Hindi umimik ang dalawa. Habol-tanaw na lamang ng mga ito ang walang paalam na pagtalikod ni Betty at ang padabog na pagsara pinto ng silid nito.

" Mukhang LQ sila,'tay! ".

" Ano  'yon ?".

" Giyera! ".

Sabay na napatayo ang mag-ama.

" Kailangan ko itong ipaalam sa grupo! ".

" Tatayaan ko sa lotto ang petsang ito! Baka suwertehin na ako! ".

"How can you see into my eyes like open doors?

Leading you down into my core where I've become so numb

Without a soul, my spirit sleeping somewhere cold

Until you find it there and lead it back home.......".

She really fell numb! Kahit sa Prince Palace ay hindi na pumupunta pa ang nobyo para magpakita sa kanya.

" Wake me up

(Wake me up inside)

I can't wake up

(Wake me up inside)

Save me

(Call my name and save me from the dark)

Wake me up

PRINCE' KISS (Book 2: Betty and the Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon