Chapter 3

2.4K 52 1
                                    

PRINCE' KISS

( Book 2:  Betty and the Prince )

written by: Lorna Tulisana

Pumarada ang sasakyan ni Mico sa tapat ng Mansion de San Agustin. Ito ang nakatuka ngayon sa araw ng kanilang gimik na magdala ng sasakyan,magmaneho,at maghatid sa kanilang magkakaibigan.

" Mamaya na lang uli!", wika ni Prince ng makababa ito ng sasakyan.

" Pupunta ka ba ng gym?", tanong ni Albert na may ibig ipahiwatig sa lapad ng ngiti nito.

" Maghanap kayo ng ibang gym dahil kahit kelan hindi na ako babalik do'n!".

" Hindi mo ba nami-miss si CRISANTO......este CRYSTAL pala! Lagi kang itinatanong sa amin! May nami-miss ata sa'yo!", makahulugang wika ni Andrew sabay sulyap sa maselang bahagi ng katawan ni Prince.

" Puwede ba tigilan n'yo nga ako! Dahil sa tuwing naaalala ko 'yon parang gusto kong mag-amok ng patayan!".

Mabilis ng pinaharurot ni Mico ang kotse,pero umabot pa rin sa pandinig ni Prince ang tawanan ng mga ito.

Mukhang habangbuhay ng magiging tampulan ng tukso ng mga kaibigan ang pagkakahulog niya sa bitag ng isang bakla. Siguro ay kailangan muna niyang mag-lie low hanggang nakadikit pa rin sa katawan niya ang trauma dahil sa nangyari.

----

Nakasalubong ni Prince sa may hagdanan ang kapatid na si Jemar. Bagong paligo ito at bihis na bihis.

" O,bro! Ang aga mo yata! Saan ang punta mo?".

Napatingin si Jemar sa suot na orasan,pasado alas-singko na ng madaling-araw, " Inumaga ka naman!".

" Uhm......birthday kasi ni Mico!".

Nangingiti at napapailing na lang na tinalikuran ni Jemar ang kapatid, " Ilang beses bang mag-birthday ang mga barkada mo? Dahil sa pagkakaalala ko  'yan din ang naging alibi mo kay mama noong nakaraang linggo lang!".

Napakamot ng ulo si Prince habang nakasunod sa kapatid na pumasok ng kusina, " Gan'un ba? ".

" Nauna na sa villa sina mama at papa,dapat kahapon pa ako nandoon kaya lang may tinapos muna akong trabaho sa opisina,hindi ka kasi maasahan! Sasabay ka na ba sa akin?".

" Teka! Ano bang meron?", kunot-noong tanong ni Prince.

Napatigil sa pagbubukas ng ref si Jemar at napatingin sa kapatid, " Bisperas ng kasal namin ngayon ni Tessa! How can you forget that?".

" Ow! Tuloy pa rin pala ang kasal n'yo?".

" Parang pinanalangin mo  na huwag ng matuloy?".

PRINCE' KISS (Book 2: Betty and the Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon